Celebrity Life

Barbie Forteza, nare-relax dahil sa vlogging

By Aedrianne Acar

Malaking bagay para sa Kapuso primetime star na si Barbie Forteza na nakapagba-vlog siya sa kabila ng pandemya.

Jak Roberto hits 1M YouTube subscribers

Sa panayam kay Barbie sa "Chika Minute," sinabi niyang nawawala ang kanyang stress sa paggawa ng vlogs.

Paliwanag niya, "Nakakalibang! Nawala 'yung isip ko sa stress sa nangyayari sa mundo. 'Yung pagvo-vlog para sa akin medyo nakakagaan ng loob."

Ayon naman sa boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto, na kamakailan lang ay nakakuha ng Gold Play Button Award sa YouTube, likas daw sa mga tao ang pagiging curious kaya patok ang vlogs.

Aniya, "Ibang factor pa rin 'yung na nakikita ka nila ng kumbaga personal life mo e.

"'Yung tao kasi curious sila sa bawat buhay ng tao. "Parang isang way din 'yun para maka-connect sa kanila."

Samantala, kasalukuyan napapanood ang dating serye ng JakBie na Meant To Be.

Ano kaya pakiramdam na muli uli nilang nakita ang soap kung saan nagsimula ang kanilang love story?

Silipin ang panayam ng JakBie sa "Chika Minute" sa video below.