
Ilang Kapuso celebrities ang nagpahayag na nakaranas o nakararanas sila ng anxiety at stress sa gitna ng community quarantine.
Kabilang na si Descendants of the Sun actor Rocco Nacino na umaming nangangamba para sa kinabukasan ng kanyang negosyo at mga empleyado ngayong may COVID-19 crisis sa bansa.
Pero bukod sa suporta ng pamilya at ng girlfriend niyang si Melissa Gohing, ibinahagi ng aktor na malaking bahagi ang pagkakaroon niya ng pet dogs para mabawasan ang kanyang stress.
“I think having a dog kung may playmate ka na aso, ito 'yung perfect time na makapag-bond kasama sila.
“Iba 'yung nabibigay nilang aura, e. Nakakalma kumbaga. Lalo na sa akin kapag bagong gising ako tapos sila una bumabati sa 'kin.
“Malaking bagay na it brings a smile to your face pagkagising mo,” ani Rocco.
Rocco Nacino, nag-aalala para sa kanyang mga empleyado: "Kailangan na ba namin magsara?"
Para naman sa aktres na si Ysabel Ortega, na isang certified fur-mom, dahil sa kaligayahan na naidudulot ng mga alagang aso, marapat lamang na alagaan at iparamdam ng owners na mahalaga ang mga ito.
“Tayo lang 'yung mundo nila, e. Kung tayo may ibang tao, sila tayo lang so it's better if we really make them feel that love.
“And then of course, 'wag n'yong pabayaan na sobrang mainitan, exercise, 'wag palaging nakakulong,” sabi ni Ysabel.
Para kay Encantadia actress Arra San Agustin, may naitutulong din ang pet dogs para magkaroon ng positive attitude sa buhay.
“It's such a big help na mayroon kaming dogs kasi mayroon kaming libangan.
“They just brighten up your days. It gives me so much joy. It makes me feel special na natutuwa silang nakikita nila ako
“It's so cute. Nakaka-lighten lang ng mood,” dagdag pa ni Arra.
Panoorin ang buong 24 Oras report: