Celebrity Life

Kate Valdez adapts cycling while under GCQ

By Dianara Alegre
Published June 5, 2020 12:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kalabaw, natagpuang patay na nakabigti sa puno sa Aklan
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kate valdez


Kate Valdez, nagsimula nang mag-cycling bilang outdoor exercise sa ilalim ng GCQ.

Matapos ang mahigit ang dalawang buwang community quarantine, ngayon lang nakalabas ng bahay si Encantadia actress Kate Valdez.

Hindi lang 'yan, dahil nakakapag-bike na siya sa Tomas Morato ang Kamuning area sa Quezon City.

Kasama sa kanyang OOTD ang face mask, may baon ding siyang alcohol at disinfectant.

“Iniingatan ko 'yung sarili ko at hindi naman ako mag-isa mag-bike. Si Daddy nagjo-jog, ako nagba-bike so may kasama ako.

“Gusto ko naman makalanghap ng fresh air kasi ngayon wala na masyadong cars, 'di ba? So malawak ang kalsada,” aniya.

A post shared by Kate Valdez (@valdezkate_) on


Bukod sa pag-eehersisyo, pinayuhan din ni Kate ang publiko na gumamit na muna ng bike bilang transportasyon dahil limitado pa rin ang mass transportation sa kasalukuyan.

“Aside sa nakakatulong sa environment, less pollution, sa 'yo na rin. Sa sarili mo physically na maging healthy.

“Mas convenient siya tsaka sa panahon ngayon mahirap din humanap ng masasakyan dahil limited pa lang 'yung mga sasakyan na pwede lumabas.

“Unlike sa bike, naka-exercise ka na, may benefits pa, atleast on time ka makakarating sa work mo,” sabi pa ni Kate.

Tulad ng marami, unti-unti na ring nag-a-adjust si Kate sa new normal.

#NewNormal: Safety tips for commuting on bike

Samantala, tampok kamakailan si Kate sa May-June 2020 issue ng digital technology magazine na Speed.

Vibrant at retro-inspired ang photo shoot niya para sa magazine.

Kate Valdez serves retro glam vibes in digital magazine feature

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

Kate Valdez, Kelvin Miranda appear on the cover of a digital magazine's anniversary issue