Celebrity Life

Kris Bernal, ipinasilip ang safety measures sa kanyang restaurant

By Maine Aquino

Siguradong safe ang mga oordering pagkain sa restaurant ng Kapuso actress na si Kris Bernal.

Sa kanyang bagong YouTube video, ipinakita ni Kris ang kanyang paghahandang ginawa para sa safety ng kanyang customers sa House of Gogi laban sa COVID-19.

Ayon kay Kris, tumatanggap na sila ng orders sa kanyang food business.

"Nag-open na ulit kami for takeout, pick up, and soon magkakaroon ng delivery."

Sa video na ito ipinakita ni Kris mula sa kitchen hanggang sa pick up area kung paano sinisiguradong safe ang orders ng kanilang customers.

"Ipapakita ko sa inyo kung paano namin pinaghirapan at ginawa namin para ma-make sure namin, masigurado namin, na very safe kayo even yung food na kinakain ninyo."

"Naisip ko ipakita sa inyo how we are taking extra safety precautions dito sa House of Gogi."

Dagdag pa ni Kris, "Your health and safety is our priority.'

Panoorin ang kanyang ginawang paghahanda sa kanyang food business:

Kris Bernal reveals she only saw her fiancé Perry Choi after 91 days

Kris Bernal, sinubok ang kanyang leading men sa isang prank