
"This is ours; it's not just mine."
Ito ang sabi ni Mikee Quintos sa kanyang unboxing video ng kanyang Silver Play Button Award mula sa YouTube.
Proud na proud si Mikee Quintos sa kanyang latest achievement sa kanyang YouTube channel, at para sa Kapuso aktres, nakuha niya ito dahil sa kanyang followers.
"Thank you so much for reacting and replying and watching my videos. Sana hindi kayo magsawa 'cause this is just the beginning."
Pagkatapos buksan ni Mikee ang kanyang award, sinagot naman niya ang tanong ng kanyang fans. Masasabing seryoso ang usapan dahil tungkol ito sa opinyon ni Mikee sa pagsunod sa pangarap, buhay pag-ibig, crab mentality at iba pa.
Isa sa mga itinanong kay Mikee ay kung ano ang dapat gawin sa mga taong may crab mentality.
Sagot ni Mikee, "You can't really change other people but you do have a say on how you're gonna react to it."
Pagpapatuloy pa ng aktres, mas mabuting gumawa ng mabuti.
"If you have that feeling inside of you na hindi mo gusto na nakikita 'yun sa iba, e di huwag kang maging ganon. Just focus on being good. Nakakahawa 'yun, nakukuha 'yun ng people around you. Spread love not hate."
Isa pang tanong ay kung paano ba ang dapat gawin kung gusto mong mag-confess ng feelings sa taong mahal mo.
Ayon kay Mikee, naniniwala siya sa pag-amin ng tunay na nararamdaman.
"If you're having a hard time., isipin mo na lang na nagsasayang ka ng oras. As in talon kung talon. Kung sigurado ka namang napi-feel mo siya, ano pang hinihintay mo? Bakit ayaw mong sabihin?"
Dagdag pa ni Mikee, ano man ang maging resulta, ang importante ay hindi nagsayang ng oras at maaari nang mag-move on.
"Either way kung ano man maging result, think happy kung good, pero kung bad e 'di makaka-move on ka kaagad, hindi ka na nagsayang ng oras."
Mikee Quintos receives YouTube Silver Play Button
Mikee Quintos, nakaramdan ng 'emotional stress' sa simula ng quarantine
Mikee Quintos, may mga personal projects na binubuo ngayong quarantine