Celebrity Life

Allen Ansay, hinarana si Sofia Pablo habang mag-jowa

By Aaron Brennt Eusebio

Inilabas na ng Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay ang part two ng kanilang "24 Hours Mag-jowa Challenge" sa YouTube channel na 'AlFia Official.'

Dahil sila ay “magkarelasyon,” hinara ni Allen si Sofia ng kantang "Ikaw at Ako" nina Moira Dela Torre at Jason Marvin.

Bago matapos ang kanilang pagiging magkarelasyon, hindi napigilan ni Allen na maging emosyonal habang naka-video call silang dalawa.

“Mga ka-team jolly, may sasabihin ako kay jolly girl bago tayo magtapos,” saad ni Allen.

“Mga ka-team jolly, please, mag-request kayo ng one-week mag-jowa.

“Bitin!”

Panoorin ang kanilang nakakakilig na "24 Hours Mag-jowa Challenge":

Sofia Pablo reveals real score between her and Allen Ansay

Sofia Pablo's TikTok video with Allen Ansay now has 7 million views!