Celebrity Life

Mikee Quintos, mas hands on sa vlog ngayon

By Marah Ruiz

Aktibo na muli ang YouTube vlog ni Kapuso actress Mikee Quintos matapos ang ilang buwang walang bagong videos mula dito.

Sa pagre-relaunch nito, may ilang mga pagbabago.

Isa na rito ang partipasyon ni Mikee sa buong proseso ng paggawa ng videos.

Dati, may team pang tumutulong sa kanya. Ngayon daw, siya na mismo ang magsu-shoot at edit ng kanyang vlogs.

"Actually, the last two videos, ako na nag-shoot and nag-edit noon. From planning, kung ano 'yung isu-shoot, to creating the script and the flow, ako na lahat gumagawa," bahagi ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Tinutukoy niya ang kanyang "Homelympics" vlog kung saan sumabak siya at kanyang pamilya sa iba't ibang mga laro pati na ang kanyang "I can't say no challenge" kung saan kasama niya si Denise, isa sa kanyang mga kapatid.

Ngayogn nasubukan na niyang maging one woman team, lubos daw niyang na-enjoy ito.

"'Yung whole process--from your idea becoming a plan and then you start creating it and then see what works and what doesn't, 'yung whole process ng hanggang matapos 'yung output and then ma-post mo, ma-share mo, nae-enjoy ko siya kasi ang dami kong natututunan na hindi ko alam before," aniya.

Aminado din si Mikee na added pressure ito sa kanyang sarili.

"The first time around when I launched my YouTube, I was posting videos every two weeks. Noong time na 'yun mayroon pa kong team na naghe-help sakin na nag-e-edit. This time, na-pressure ko pa lalo sarili ko. I promised my subscribers weekly posts," paliwanag niya.

"'Yung pressure na 'yun, I really wanna fulfill that promise to them. 'Yun naman 'yung nagpapagana sakin," dagdag pa niya.

Mas gusto pa daw makilala ni Mikee ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang relaunched na vlog.

Bukod dito, gusto din niyang maghatid ng inspirasyon sa iba.