Celebrity Life

Kimpoy Feliciano, niregaluhan ng bagong kotse ang bunsong kapatid

By Aedrianne Acar

Hindi matatawaran ang pagmamahal ng YouTube vlogger at actor na si Kimpoy Feliciano sa kanyang pamilya.

Kasalukuyang nasa New Zealand ang former TODA One I Love actor matapos ma-repatriate sa bansa noong April sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Residente si Kimpoy sa New Zeland, kung saan nandoon din ang kanyang buong pamilya.

Sa vlog niya nito lamang July 28, napa-"sana all" ang maraming nakapanood nang sorpresahin ng vlogger ang kapatid niyang si Ian Feliciano o Tan ng isang brand new car.

Sabi ni Kimpoy sa vlog, “Today we are gonna surprise my brother, si Tan, hindi ko alam kung napanood n'yo 'yung isang vlog ko kung saan nag-car hunting kami, si Tan 'yun, siya 'yung madalas n'yo nakikita nagda-drive.

“Siya, actually, 'yung bunso namin at siya 'yung mahilig mag-drive sa mga sasakyan, kaya siya lagi nasa driver seat kapag nagbi-biyahe kami ng family.”

Pinuri din nito si Tan sa pagiging mabuting kapatid nito sa kanilang lahat at deserve niya ang regalo niyang brand new car.

Aniya, “Pero naisip ko kung magustuhan niya in person I'll decide to buy it for him.

"I'm planning to surprise my brother, kasi sobrang bait ni Tan sa amin, sa magkakapatid. Bunso siya, siya lagi 'yung nagda-drive sa amin, siya lagi 'yung inuutusan ni mommy kapag may bibilhin ganyan.

“Sinusundo kami, sinusundo 'yung kapatid ko, si daddy ganyan.

"So, this is my way of giving back sa kapatid ko na maibigay ko 'yung something that he really wants and alam ko sobra ma-appreciate niya.”

Sobrang galante ni Kimpoy sa kanyang pamilya.

Sa katunayan, mapapanood sa isa niyang vlog na niregaluhan niya ang kanyang ate na si Kaye Feliciano ng mamahaling Louis Vuitton bag.

Kamakailan lang din nang magkahiwalay niyang i-treat ang kanyang mga magulang para sa "Can't Say No Challenge."

LOOK: Kimpoy Feliciano's life in New Zealand

Vlogger-actor Kimpoy Feliciano receives his YouTube Gold Play Button Award