Celebrity Life

Sofia Pablo, umiyak dahil sa prank ni Allen Ansay

By Aaron Brennt Eusebio

Tuluy-tuloy pa rin ang prank wars sa pagitan nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Sa latest prank ni Allen, nag-uusap lang silang dalawa tungkol sa 'Mobile Legends' nang biglang may tumawag sa cellphone ni Allen at tinawag siyang 'babe.'

Nagulat naman si Sofia kaya bigla niyang tinanong si Allen kung sino ito.

“Sino 'yun? Babe?” malungkot na tanong ni Sofia.

Sagot ni Allen, “Wala.”

Tanong ulit ni Sofia, “Babe nga, e. So ano 'yun, jowa mo?”

“Jowa? Girlfriend? Babe daw, e. Na-wrong dial kilala ka nga, alam nga niyang kasama mo ko.

“E, bakit tinatanong niya kung kasama mo ako pero hindi ka nagre-reply?

“Oo nga, si Mica nga 'yon na tinatawag kang babe na ka-klase mo lang.”

Patuloy na pinapaliwanag ni Allen na magkakaklase lang sila ni Mica at hindi niya ito girlfriend pero hindi naman napigilang mapaiyak ni Sofia dahil sa ginawa ni Allen.

Sa totoo, ang mommy ni Allen na si Maria ang tumawag sa kanya at nagpanggap na Mica.

“Uy, sorry na. 'Wag ka na umiyak,” panunuyo ni Allen.

“Wala lang naman 'yun, e. It's a prank.”

Kilala sina Allen Ansay at Sofia Pablo dahil sa kanilang prank sa isa't isa. | Source: sofiapablo (IG)

Kahit na sinabi na ni Allen na prank lang ang kanyang ginawa, mukhang galit pa rin si Sofia.

Tanong ni Sofia, “Tingin mo nakakatuwa 'yung prank mo? Ha?”

“Tingin mo nakakatuwa, ha? Tingin mo nga ha, nakakatuwa?”

Ang hindi alam ni Allen, siya ang napa-prank ni Sofia dahil narinig niya itong nag-i-intro sa fire exit ng building kung saan sinabi niyang ipa-prank niya si Sofia.

Panoorin ang kanilang nakakatuwang prank sa video na ito: