Celebrity Life

Paolo Contis, aminado na hindi alam kung ano ang content na mas tatangkilikin online

By Aedrianne Acar
Published August 20, 2020 5:00 PM PHT
Updated August 20, 2020 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Paolo Contis sa mga vlogs na milyon ang views: "Mind-boggling siya..." Read more:

Malaking palaisipan minsan para sa Kapuso versatile actor na si Paolo Contis ang gagawin niyang content para sa channel niya sa YouTube.

Tulad ng maraming celebrities nag-set up na din si Paolo ng YouTube page at sa loob ng tatlong buwan pa lamang ay mayroo na siyang mahigit sa 270,000 subscribers.

Screenshot taken from Paolo Contis s YouTube channel

Sa panayam ng Kapuso Showbiz News sa Bubble Gang star, tinanong namin ito kung nakatulong ang pagiging celebrity niya para mas pumatok ang ginagawa niyang video content online.

Para sa kanya, may advantage at disadvantage ang pagiging artista kapag pumasok ka na sa mundo ng vlogging.

“'Yung vlogging kasi parang trial and error siya, e, sa pagvo-vlog. Mayroon disadvantage or advantage 'yung pagiging artista. Siyempre 'yung advantage mo kahit papaano mayroon ka ng mga follower talaga,” saad ng Through Night and Day actor.

Dagdag niya, “Disadvantage is natuklasan namin 'pag sa YouTube, sa vlogging, mas gusto nila 'yung natural, e,

“At disadvantage ng artista 'yun na minsan bino-blocking 'yung nangyari, mas maganda 'yung set up. Tapos gagandahan mo 'yung editing, tapos konti lang views mo.”

Aminado si Paolo na napapakamot siya ng ulo kung alin video ang tatangkilikin online kaya ganoon na lang kalaki ang respeto niya sa mga vlogger na nakakapag-produce ng content on a regular basis.

“Tapos 'yung tao nakatulala lang tatlong million 'yung views. Medyo mind-boggling siya, pero iba 'yun.

“Parang bago ka talaga ngayon, masaya na nae-explore mo siya kasi bagong kaalaman siya and big respect to the vloggers talaga, kasi hindi madali gumawa ng content every week or even everyday.”

Screenshot taken from Kapuso Showbiz News video of Paolo Contis

Kahit ilang buwan pa lang siya bilang isang YouTube content creator, may napansin na siyang klase ng content na hinahanap-hanap sa kanya ng mga tao.

Payo ng Kapuso actor, “Feeling ko sa actors parang mas 'yun ang mas gusto ng tao na huwag na kayo 'magpaka-vlogger.'

“Feeling ko ang [hinahanap] sa amin ng tao is to see the normal day. Feeling ko lang ah.

“Kasi mas marami 'yung views 'yung ganoon ko, e, na a normal day. Kasi, I think it's also one way na nakikita nila kami kung ano 'yung ginagawa sa bahay na totoo at saka hindi nila kami nakikita ngayon sa TV.”

RELATED CONTENT:

Same gang, new laughs | Teaser Ep.

Paolo Contis, ikinuwento ang challenges para i-mount ang new episode ng 'Bubble Gang'