What's on TV

Paolo Contis, ikinuwento ang challenges para i-mount ang new episode ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published August 19, 2020 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Ayon kay Paolo Contis, sinigurado ng buong 'Bubble Gang' team na sulit ang panonood ng new episode this Friday night.

Dahil work from home ang setup ng Bubble Gang stars para i-shoot ang fresh episode ng gag show ngayong Biyernes ng gabi, August 21, hindi raw biro ang effort na ibinigay ng bawat isa sa kanila para muling makapagpasaya.

Screenshot taken from Paolo Contis Instagram account

Sa panayam ng GMA News showbiz reporter Aubrey Carampel kay Paolo Contis sa idinaos na video conference para sa all-new episodes ng gag show kamakailan, sinabi ng versatile actor na ginawa nila lahat ng magagawa nila sa kani-kanilang mga bahay para mapaganda ang i-o-offer nila sa manonood.

“So lahat ng puwede naming gawin na based sa bahay lahat 'yun nagawa namin, na-cover namin 'yun.”

Dagdag ni Pao na kahit mahirap ang pinagdaanan nilang mga Kababol sa pagsu-shoot, gusto nilang tuparin ang hangarin ng home network nila na makapaghatid ng new content sa mga Kapuso sa gitna ng nararanasan natin dahil sa COVID-19 pandemic.

“Siyempre iba pa rin 'yung quality ng nasa studio ka, iba 'yung magkakasama iba 'yun.Pero naniniwala ako na 'yung mga tao will appreciate the effort, kasi hindi naman namin kailangan gawin.

“Ang totoo, puwede naman mag-replay ang GMA di ba, pero ayaw ng GMA kasi gusto nila gumawa ng fresh episodes regardless if it is hard,” ani ng 'Through Night and Day' star.

Pagbibida pa ni Paolo Contis na kahit props na ginamit nila ay ipinadala sa kanilang mga bahay para mas maging makatotohanan ang gags at sketches ng Bubble Gang.

“Ginawa namin lahat. So 'yun 'yung ma-e-expect ng tao kapag napanood nila 'yun, 'Ito pinaghirapan pala.”

“Si Sef [Cadayona] nag-makeup pa ng babae yan. Mag-isa yan, alam mo 'yun walang katulong sa bahay… Feeling ko naman ma-a-appreciate yun ng tao 'yun 'yung ginawa namin.”

“Kinonsider nila 'yun pero 'pag kailangan na ng props talaga nagpapadala sila, pinapadala 'yun.”

Same gang, new laughs | Teaser Ep.

Archie Alemania at Valeen Montenegro, nasubukan ang creativity sa new episode ng 'Bubble Gang'

New episodes ng 'Bubble Gang,' maghahatid ng inspirasyon