
Tagumpay ang ginawang prank ni Allen Ansay kay Sofia Pablo sa kanilang latest vlog.
Noong August 6, tinangka ni Allen na i-prank si Sofia nang may biglang tumawag sa kanya habang magkasama sila at tinawag siyang “babe.”
Ang hindi alam ni Allen, alam na ni Sofia na ipa-prank niya ito kaya naman siya ang na-prank sa huli.
Para makaganti, kunwari ay may ini-stalk si Allen at ayaw niya itong ipakita kay Sofia.
Pero ang totoo, ang Instagram profile lang ni Sofia ang tinitingnan ni Allen.
“Ngayon, may hidden cam ako kasi gusto ko i-prank si Jolly Girl. Sana gumana na 'to,” paliwanag ni Allen sa simula ng kanilang vlog.
“Kunwari, may ini-stalk akong babae. May ini-stalk ako pero siya lang naman talaga 'yun.
"Siyempre, hindi ko ipapakita 'yung phone ko para hindi niya makita. Sana magselos siya.”
Panoorin ang magiging reaksyon ni Sofia sa ginawa ni Allen:
Sofia Pablo, binigyan ng Macbook Air si Allen Ansay?
Sofia Pablo, nakabawi sa prank kay Allen Ansay ()