Celebrity Life

Betong Sumaya, ibinahagi ang positive at negative effects ng social media

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Betong Sumaya ang kanyang pananaw tungkol sa positive at negative effects sa paggamit niya ng iba't ibang social media platforms.

Unang ikinuwento ni Betong na nagpo-post lamang siya sa social media kapag may milestones siyang gusto i-share sa kanyang followers.


Ani ng Quiz Beh! host, "Hindi naman po talaga ako ganun ka... parang usual na post ko lang kapag meron kang magandang project o kapag mayroon kang pinuntahang magandang lugar."

Kuwento ni Betong na isa sa negative effects ng social media sa kanya ay ang nakakaramdam siya ng lungkot dahil sa bad news na nababasa niya online.

"Kunyari sa Facebook, kung titingnan mo talagang medyo nakakaramdam ka na parang minsan nade-depress ka. Kasi 'pag nakita mo talaga 'yung nasa feed either medyo may nangyaring masama sa ganito, may nangyaring masama sa ganyan... Parang mas marami ang bad news."

Dugtong pa niya, iniiwasan niya na ngayon manood ng news dahil tumitindi ang kanyang emosyon.

"Hindi na nga ako minsan nanonood ng news e. Mas gusto ko na nababasa na lang kasi pag nanonood ka mas lalong naha-heighten yung ano [stress] mo. Parang nako, lagpas two hundred thousand na 'yung ano, kumbaga lalo kang napapraning. So pero siyempre ang news kasi sobrang essential na information sa atin araw araw."

Kahit na gusto ni Betong na iwasan ang paggamit ng social media, nakikita rin niya na may positive side din ito. Dito rin umano nakakakuha si Betong ng paraan para makalimutan ang mga problema.

"'Yung detox sa akin 'di ko magawang hundred percent kasi doon rin ako kumukuha ng pang-stress buster at iba pang pangtanggal ng mga alalahanin. At doon mo nakakausap ang mga dapat mong makausap."

Dagdag pa niya, positibo rin maituturing ang pag-umpisa niya sa vlogging sa kanyang YouTube channel.

"Ngayon po kasi nag-start na rin kasi rin po akong mag-YouTube channel so kaka-one month pa lang so siyempre sa encouragement din ng mga batikan sa vlogging, yan sila Kuya Bitoy, si Pao (Paolo Contis), at iba pang nagi-encourage sa 'kin na pasukin ito."

Makikita rin si Betong online dahil sa kanyang game show na Quiz Beh! na magsisimula na ang season 2 ngayong September 4 at 3:00 p.m. sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center official YouTube channel.

ALSO READ:
Reach for the stars and hangout with GMA Artist Center

GMA Artist Center takes over YouTube!