Celebrity Life

Katrina Halili at Wendell Ramos, nabistong crush ang isa't isa

By Nherz Almo

Nabisto ang Prima Donnas actors na sina Katrina Halili at Wendell Ramos na crush nila ang isa't isa nang sumailalim sila lie detector test.

Sa pinakabagong vlog ng co-star nilang si Aiko Melendez, game na game sina Katrina at Wendell na gawin ang lie detectorr challenge.

"Kailangan kong malaman kung nagsasabi ka ng totoo. Easy question lang naman ito," sabi ni Aiko sa kapwa nya aktres sa umpisa ng kanyang challenge.

Kasunod na tanong niya, "Gusto mo ba akong makatrabaho?"

Sagot ni Katrina, "Oo, sis, natuwa ako nung nalaman kong ikaw ang makakasama ko."

Bagamat kabado, nakapasa naman siya sa lie detector.

Sumunod, tinanong ni Aiko si Wendell, "Excited ka ba dito sa role mo bilang Jaime dito sa 'Prima Donnas'?"

Sumagot ang aktor ng, "Of course," ngunit nakuryente siya sa lie detector.

"Hindi ka excited," sabi ni Aiko.

Tanong naman ni Katrina, "Bakit di ka excited?"

Depensa ni Wendell, "Excited ako. Siguro excited ako in a way pero, explain ko na lang, baka hindi ako ganun ka-100 percent. Ang hinihingi niya siguro [lie detector] is 100 percent. So, ang may problema dito ay yung tanong mo."

Ang sumunod na tanong ay para kay Katrina, "Was there ever a time na na-fall ka kay Jaime during sa taping ng 'Prima Donnas'?"

Sagot ni Katrina, "No," at hindi siya nakuryente sa lie detector.

Sa huling bahagi ng vlog ni Aiko, tinanong niya si Wendell, "May crush ka ba kay Katrina Halili?"

Sagot niya, "Siyempre, wala!" na mali, ayon sa lie detector.

Paliwanag ng aktor, "At first wala po, nung panahong nasa Starstruck siya. Pero nung tumatagal, meron naman na.

"Hindi niyo naman ako binigyan ng chance na mag-explain."

Ganito rin ang tanong ni Aiko para kay Katrina. At katulad ni Wendell, mali ang sagot ni Katrina Halili na, "Wala po," ayon sa lie detector.

Panoorin ang nakatutuwang lie detector challenge ni Aiko kina Katrina at Wendell: