
Napiling outlet ng emosyon ni Thea Tolentino ang pagpinta.
Ayon sa Kapuso actress, pinili niya itong gawin ngayong humaharap tayo sa isang pandemya.
Saad ni Thea sa kanyang interview, "Ang daming emosyon na napaparamdam ang napaparamdam itong pandemic na ito."
Photo source: @theatolentino
Pag-amin niya, ang kanyang goal ay maibahagi rin ang kanyang mga paintings kapag confident na siya sa kanyang mga nagawa.
"Ang pinagkakaabalahan ko na lang ngayon is nagpi-paint ako and eventually kapag confident na ako, I think I would like to sell my paintings."
August 2020 nang magsimula sa pagpipinta si Thea. Ito ay ang mga panahong natigil ang trabaho niya dahil sa COVID-19.
"Sinimulan ko 'yung pag-paint last year ng August. 'Yung naging inspirasyon ko para i-try 'yun is kasi wala tayong trabaho lalo na last year, natigil lahat.
"Ako, naghahanap ako ng outlet na malalabas ko yung art.
"Gusto ko may malabasan ako ng art ko kasi walang projects so hindi nakakaarte. So naisip ko na activity sa bahay is 'yun nga, painting. Dati mahilig ako mag-drawing tapos hindi na ako nagkaroon ng time mag-practice. Tapos bigla na lang pumasok sa isip ko na bakit hindi ko i-try ang painting."
Bukod kay Thea, may ilang Kapuso stars pa ang nagkaroon ng quarantine hobbies:
Kapuso Showbiz News: Thea Tolentino, ibinahagi ang kaniyang bagong show na 'Las Hermanas'