GMA Logo pera paraan
What's on TV

Tatlong negosyo ng isang Pinay, paano umasenso?

By Bianca Geli
Published May 7, 2021 6:31 PM PHT
Updated August 13, 2021 2:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire in commercial bldg in Zamboanga City leaves P10M damage
DOH urges: Skip firecrackers, welcome New Year 2026 with horns, light sticks
This Pampanga theme park has Disneyland vibes

Article Inside Page


Showbiz News

pera paraan


Paano kaya napalago ng isang Pinay ang tatlo niyang negosyo kahit may pandemya?

Kung pagpapaganda ang usapan, hindi pahuhuli ang mga Pilipino dyan.

Kahit anong klase ng makeup look ang hanap mo, sa dami ng Pinoy YouTubers ngayon, tiyak na hindi ka mauubusan ng susundan araw araw.

Katuwang na ng pak na pak na makeup look ang bonggang OOTD, kaya naman naisipan ni Kanami Oya-Matriz na gumawa ng tatlong magkakahalintulad na negosyo.

Mula sa beauty products, cafe, at clothing. Siya na ngayon ang mayari ng CS2 by Kanami.

Kwento niya sa Pera Paraan, "Nag-start lang talaga ako sa buyer. Bumili ako ng damit online tapos nagandahan ako. Doon ko na naisip na what if ako rin magbenta ng ganito?"

Mula sa puhunan na PhP20,000, nakapagtayo ng beauty products line si Kanami sa tulong ng kaibigan niyang manufacturer.

Hindi pa siya nakuntento sa dalawang negosyo at nagtayo pa ng isa pang negosyo, isang coffee and milk tea business.

Hindi naging madali ang daan patungo sa tagumpay para kay Kanami.

Naging breadwinner sa murang edad si Kanami at nagkaroon na rin ng sariling anak.

Nagtayo siya at kanyang asawa ng sariling negosyo ngunit nalugi ito. Nagkaroon din siya ng malaking pagsubok noong 2018 na nauwi ng pagkaubos ng kanyang inipon.

Nang subukan niya muling magnegosyo, marami nang natutunan si Kanami at nagkaroon ng lakas loob magnegosyo.

Mula sa PhP5,000 na puhunan, kumikita na siya ng six digits kada buwan at may sarili ng bahay, mga sasakyan, at physical store.

Panoorin ang kwento niya sa Pera Paraan:

Related content:
Pera Paraan: Ukay-ukay owner, kumikita ng halos P400,000 kada buwan?

Pera Paraan: Persons with disability, paano kumikita ngayong pandemic?