Celebrity Life

Jillian Ward happy to inspire netizens as she gets 12M Facebook likes

By Aaron Brennt Eusebio

Masayang masaya si Kapuso teen actress Jillian Ward dahil may mahigit 12 million followers na ang kanyang official Facebook page.

Ayon kay Jillian, natutuwa siya tuwing magbabasa siya ng mga komento ng kanyang mga tagahanga.

Mensahe ni Jillian sa GMANetwork.com, "Natutuwa po talaga ako lalo na nababasa ko rin po sa comments na kapag pinapanood nila ako sa TV, or mga videos ko po sa social media, nagiging mas joyful daw po araw nila.

"Masaya po ako na may mga na-i-inspire at napapasaya po ako."


May mahigit 12 million followers na ang official account ni 'Prima Donnas' star Jillian Ward.

Muling mapapanood si Jillian sa book 2 ng top-rated afternoon series ng GMA na Prima Donnas.

Bago 'yan, balikan muna rito ang magagandang litrato ni Jillian: