Celebrity Life

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, paboritong bonding moment ang hiking

By Dianne Mariano

Isa sa mga paboritong bonding moments ni Kapuso Drama King Dennis Trillo at ng kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado ay ang hiking o pag-akyat ng bundok.

Sa panayam ni Dennis sa Unang Hirit, pareho raw nilang nae-enjoy ang hiking.

"Ngayon, nahihilig din kami sa mga hiking,” ani Dennis.

"Mas na-eenjoy namin yung mga bundok [at] yung mga waterfalls.”

Noong Hulyo 21, nagpunta ang Legal Wives aktor at ang dating Descendants of the Sun actress sa Mount Maynoba sa Tanay, Rizal, kasama ang kanilang mga anak at buong pamilya.

Photo courtesy: mercadojenny (IG)

Sa larawang ito, makikita na naabot ng Kapuso couple ang summit o pinakatuktok ng naturang kabundukan.

Matagal na ring nahihilig ang aktor sa nature trips at lalo niya itong nagustuhan ngayong pandemya.

“Mas na-magnify lang yung hilig ko sa kanya ngayon kasi, syempre, hindi naman na tayo makakapunta sa mga malls [at] sa mga crowded na lugar.

“Mas mabuting mag-nature trip ka na lang. Pumunta ka sa isang lugar na makaka-relax ka [at] makakahinga ka ng sariwang hangin,” sabi ng aktor.

Tingnan ang iba pang celebrity couples na enjoy sa hiking:

Maliban sa hiking, makikita rin sa social media accounts ng showbiz couple iba pang outdoor activities nila gaya ng scuba diving at pagbibisikleta.

Photo courtesy: dennistrillo (IG)

Napasabak din sa nakatutuwang laro na “CO-LOVE” si Dennis kung saan may iba't-ibang scenarios at sinagot ng aktor kung sino ang nais niyang maka-"co-love” (collab) sa isang proyekto.

Sa paggawa ng isang vlog, nais daw makasama ni Dennis ang sikat na YouTuber na si Mimiyuuuh.

Aniya, “Natutuwa kami sa kanya at napapatawa niya kami madalas.”

Balang araw, nais din maka-”co-love” ng dating Juan Happy Love Story actor sa isang teleserye sina John Lloyd Cruz at ang bagong Kapuso Bea Alonzo.

Bibida naman si Dennis sa panibagong cultural drama series na Legal Wives na mapapanood na sa GMA Telebabad.

Samantala, tingnan muli ang mga larawan ng modern family nina Dennis Trillo and Jennylyn Mercado sa gallery na ito: