Celebrity Life

Gabbi Garcia and Khalil Ramos conquer social media as a couple

By Dianne Mariano

Ngayong pandemya, tuloy-tuloy pa rin ang paggawa nina Kapuso couple Gabbi Garcia at Khalil Ramos ng kanilang nakakakilig at nakatutuwang content sa social media.

Kamakailan lamang ay sinimulan ng dalawang Kapuso stars ang kanilang podcast na pimagatang Figure It Out at online food series na Front-Seat Foodies.

Sa panayam nina Gabbi at Khalil sa Unang Hirit, isa sa kanilang passion bilang couple at indbidwal ay ang paggawa ng content.

“We're both fond of creating content.

“The moment that we met each other talagang ang dami ng ideas na nabuo dahil sa mga bonding namin.

“For example, yung Front-Seat Foodies. Mahilig kasi kaming kumain. We treat food as our third wheel sa relationship namin.

“Content creating is one of our passions as a couple and individually din. So, mas powerful siyempre kapag nag-merge kami together,” pagbabahagi ni Gabbi.

Ayon sa aktres, sila ni Khalil ay isang two-man production team at parehong hands-on sa paggawa ng kanilang content sa social media.

Photo courtesy: GMA News (YouTube)

Aniya, “Para kaming two-man production team. Talagang hands-on kaming dalawa. Alam namin lahat ng nangyayari kasi wala naman ibang tao, kaming dalawa lang talaga.”

Ibinahagi naman ni Khalil na nahahati sa dalawa ang kanilang trabaho at siya ang in-charge sa technicalities.

“Yung overall direction at yung pag-shoot--yung pag-set up, yung ilaw, audio, kung anong camera gagamitin, anong lens--ako yon,” pagbabahagi ng aktor.

Samantala, ang IRL host naman ang namamahala sa pag-promote ng kanilang shows.

“Ako more on sa pag-promote nung mga shows. Like for example, sa podcast namin, ako gumagawa ng mga materials, ng artcards, ng mga photos, ako din nag-eedit,” sagot ni Gabbi.

Sa kasalukuyan, mayroong anim na episodes ang kanilang online food vlogs na Front-Seat Foodies sa YouTube at dalawang episodes naman sa podcast na Figure It Out sa Spotify.

Samantala, muling tignan ang nakakakilig na moments nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa gallery na ito: