Celebrity Life

Jak Roberto, humanga sa motor racing skills ni Kim Rodriguez

By Aimee Anoc

Hindi lang netizens ang napabilib ni Kim Rodriguez sa mabilis na improvement niya sa motor racing kundi maging si Kapuso hunk Jak Roberto, na nahihilig din sa kaparehong sports.

Noong Huwebes, ipinakita ni Kim ang mga bagong natutunan sa race track kasama ang Philippine Superbike Champion na si Dashi Watanabe.

Sa Instagram, ibinahagi ni Jak ang kanyang paghanga kay Kim, "Lupet! Knee drag agad, day [two] pa lang!"

Ayon kay Kim, ang motor racing ang bagong outdoor sports na kinahihiligan niya ngayon. Nagsimula ang unang training ni Kim noong November 23.

Mapapanood si Kim ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa "Magkaibigan" episode ng bagong Wish Ko Lang kung saan gagampanan niya ang karakter ni Mariel, ang mayamang kaibigan ni Rabiya Mateo.

Gayundin, abangan si Jak Roberto sa finale episode ng Never Say Goodbye, 3:25 p.m sa GMA Afternoon Prime.

Tingnan ang magagandang larawan ni Kim Rodriguez sa gallery na ito: