Celebrity Life

Sam YG shares 3 funny lessons he learned from cycling

By Jimboy Napoles

Isa ang TV personality na si Sam YG sa mga celebrities na nakahiligan ang pagba-bike simula nang magpandemya.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sam ang tatlong nakatutuwang bagay na kanyang natutunan sa cycling.

Una sa listahan na ibinigay ni Sam, aniya, "Mas madaling mag-'sorry' kesa magpaalam."

Pangalawa, "Hindi lahat ng coffee ride may coffee."

Bukod dito, nagpahiwatig din ang celebrity cyclist patungkol sa mahal ng pag-aalaga sa isang bicycle.

"Everytime gumagaan bike mo, gumaan din ang wallet mo," ang kanyang pangatlong natutunan aniya.

Samantala, kamakailan ay hinikayat din ni Sam ang publiko na magparehistro na at bumoto ng tama sa darating na eleksyon.

Narito naman ang ilang cycling essentials para sa mas ligtas na long ride.