Celebrity Life

Kylie Padilla finds a new love

By Dianne Mariano

Masayang ibinahagi ni Kylie Padilla sa social media na napamahal siya sa paglalaro na billiards.

Makikita sa recent Instagram post ng Kapuso star ang kanyang larawan na mayroong hawak na tako o cue stick, isang essential tool sa paglalaro ng billiards.

Sinulat niya sa caption, “I found a new appreciation and sport in billiards. I am in love with this game. I have a long way to go but even then, I am so lucky and grateful to be gifted my own tako by the one and only @rubilenamit from @predatorcues. Thank you! It's such an honor. Hope to meet you in person and maybe share the screen with you.”

Kamakailan lamang ay inanunsyo na mayroong bagong serye si Kylie kung saan gaganap siya bilang isang billiard genius.

Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ibinahagi ng aktres ang kanyang karanasan sa first day of training nito.

Aniya, “To be really honest never pa ako nag-billiards, hindi ko siya ma-grasp. But when I did lessons yesterday, parang nagkaroon ako ng confidence na kaya ko pala with the right teachers.”

Baguhan man sa billiards si Kylie, nakita ng kanyang coaches na sina Billiards World Champion at National Team Member Johann Chua at professional billiards player Geona Gregorio ang potensiyal ng aktres sa paglalaro ng sport na ito.

“Sobrang professional naman ni Kylie and sobrang nakikita namin kagabi na kaya niya talagang kunin 'yung actions ng players,” pagbabahagi Johann.

Dagdag naman ni Geona, “Kapag willing talaga siyang matuto, mabilis talagang mag-i-improve 'yung game niya sa billiards. Sa observation namin kahapon, feeling ko mabilis gagaling si Kylie.”

Samantala, silipin ang stylish looks ni Kylie Padilla sa gallery na ito.