Celebrity Life

Sanya Lopez, humahakot ng milyon-milyong views sa TikTok

By EJ Chua

Bukod sa patuloy na pamamayagpag ng pangalan ng First Lady actress na si Sanya Lopez sa mundo ng showbiz, nakikilala rin siya ngayon sa mundo ng TikTok.

Sa katunayan, kabilang si Sanya sa Top 10 most followed content creators sa Pilipinas noong 2021.

Ilang dance videos ng aktres ang humahakot ngayon ng milyon-milyong views sa naturang video sharing app.

Mapapanood sa TikTok account ni Sanya ang ilang dance covers na patuloy na kinagigiliwan ng kanyang fans at followers.

Isa na rito ang hot na hot na entry ni Sanya para sa TikTok trend na "Ride." Suot ang kanyang workout outfit, game na game na humataw ang aktres habang nasa treadmill.

@sanya_lopez

Wanna work out with me? 😉

♬ Ride (Austin Ong DC) - Austin Ong

Sa kasalukuyan, ang dance cover na ito ni Sanya ay umani na ng 7.7 million views.

Kasama ang ilang cast ng First Lady, makikitang hot na hot din si Sanya sa isang video habang sinasayaw nila ang "Daily Beat Drop" na pinasikat ng American singer na si Katy Perry.

@sanya_lopez

bakasyon ng team palasyo!

♬ KatyPerryDaily Beat Drop Challenge - Katy Perry Daily

Sa ngayon ay mayroon na itong 3.9 million views at mahigit 400,000 likes sa TikTok.

Ang dance video naman ni Sanya Lopez kasama ang kanyang kaibigan at co-star na si Kakai Bautista ay mayroon nang mahigit 25 million views.

@sanya_lopez

Huhhhhh??? Kamiiii???? Wala toooo 😜

♬ Troyboi Bellz - Nguyễn Song Linh

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 89 million likes at 12.2 million followers si Sanya sa TikTok.

Samantala, tingnan ang most memorable TV roles ni Sanya Lopez sa gallery na ito: