Celebrity Life

Valeen Montenegro at ilang Kapuso stars, hot na hot sa pinakabagong TikTok trend

By EJ Chua

Ilang Kapuso celebrities ang game na game na ibinahagi ang kanilang mga paandar para sa pinakabagong TikTok trend na #DropChallenge.

Sa isang video na in-upload ng Bubble Gang babe na si Valeen Montenegro, mapapanood ang iba't ibang entry niya at ng ilang celebrities para sa pinakabagong online trend.

Sa unang part ng video, good vibes na agad ang hatid ni Valeen nang simulan niya ang challenge sa isang split habang kasama ang iba pang Bubble Gang girls na sina Arny Ross, Faye Lorenzo, at Ashley Rivera.

Hindi rin pinalampas ni Valeen ang pagkakataon na subukan ang challenge na ito habang siya ay nagwo-workout.

Makikita ring kahit nakasuot ng gown, napa-drop challenge pa rin ang Kapuso actress.

Mapapanood rin sa video ni Valeen na todo awra ang former To Have and To Hold actresses na sina Carla Abellana, Max Collins, at Ina Feleo habang ginagawa ang #DropChallenge.

@valeentawak Air drop #dropchallenge #fyp @inafeleo @justmaxcollins @petrashley @arnyross @fayelorenzo_ ♬ Yoncé - Atsuko Okatsuka

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 712,000 views ang naturang video na in-upload ni Valeen sa kanyang TikTok account.

Samantala, tingnan ang bikini photos ni Valeen Montenegro sa gallery na ito: