Celebrity Life

Jelai Andres mourns death of her dogs Kitty and Neko

By EJ Chua

Isa si Jelai Andres sa celebrities na kilalang certified dog-lovers!

Noong 2020, labis na ikinalungkot ni Jelai ang pagkamatay ng kaniyang aso na si Chicken dahil sa virus na parvo.

Nito lamang Huwebes, June 9, isa na namang malungkot na balita ang gumulat kay Jelai nang malaman na namatayan siyang muli ng alagang aso.

Sa 22-minute video na inupload ng vlogger-actress sa kaniyang Youtube Channel, mapapanood kung paano ipinaalam sa kaniya ng isa sa kaniyang mga ate ang tungkol sa pagkawala ng kaniyang mga asong sina Kitty at Neko.

Mapapanood din dito ang naging reaksyon ng social media star nang makita niyang abo na lamang ang kaniyang mga alaga.

“Ang sakit-sakit kasi dalawa at mag-ina,” humahagulgol na sinabi ni Jelai. "Ang babait ng mga aso namin, ang sakit naman bakit n'yo naman sila nilason... wala naman silang kalaban-laban."

Ayon sa isa sa mga kapatid ng dating Owe My Love actress, kinutuban na sila na may masamang nangyari nang mapansin nilang nawawala ang aso nilang si Neko, na kadalasan ang sumasalubong tuwing sila ay uuwi sa kanilang bahay.

Nang hahanapin na nila si Neko ay agad namang tumakbo palabas ang aso na si Kitty at ilang minuto lang ang nakalipas ay hinang-hina na ito nang makabalik sa kanilang bahay.

Ayon sa mga pahayag ni Jelai at ng kaniyang kapatid, nilason ang kanilang mga aso sa loob ng kanilang subdivision.

Sa huling parte ng vlog, nanawagan ang aktres sa mga pet organization na maaaring makatulong sa kanila upang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kanilang mga alagang aso na itinuring na nilang parte ng kanilang pamilya.

Ilang netizens at fans ng content creator ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa malungkot na pangyayaring ito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 616, 000 views ang latest vlog ni Jelai, kung saan mapapanood din ang ilang throwback videos niya kasama ang kaniyang mga alagang aso.

Panoorin dito kung paano nalaman ni Jelai ang masamang balita tungkol sa kaniyang mga aso:

Our deepest condolences to you and to your family, Jelai!

Samantala, kilalanin ang adorable pets ng ilang celebrities sa gallery na ito: