Celebrity Life

Klea Pineda, 'one step forward' na sa pangarap maging piloto

By Nherz Almo

Inumpisahan na ni Klea Pineda na tuparin ang pangarap niyang maging isang piloto.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ng Bolera actress ang pagsubok niya sa isang flight simulator sa unang pagkakataon.

Sabi ng aktres, "One step forward sa pangarap na maging isang Piloto."

Sa parehong post, ibinahagi rin niya ang quote mula sa kilalang female aviator na si Amelia Earhart ang, "Women must try to do things as men have tried, When they fail their failure must be but a challenge to others."

Minsan nang nabanggit ni Klea na pangarap niya talagang maging isang piloto noong bata pa lamang siya.

Noong 2021, nasubukan na rin ng aktres na pumasok sa isang flight orientation.

NARITO ANG ILANG CELEBRITIES NA CERTIFIED PILOT NA RIN: