Celebrity Life

EA Guzman, pinakilala ang kanyang bagong 'baby'

By Aaron Brennt Eusebio

Wala pang isang taon mula nang sorpresahin ni Kapuso actor EA Guzman ang kanyang inang si Sarrie ng bagong bahay ay nakabili na agad siya ng bagong sasakyan.

Sa Instagram, pinakita ni EA ang kanyang bagong "baby."

Sulat niya sa caption, "'With GOD all things are possible.' Meet my new baby!"

Masaya naman para kay EA ang kanyang mga kaibigan sa showbiz tulad nina Jeric Gonzales, Analyn Barro, Chef Jose Sarasola, at Pauline Mendoza.

Mapapanood si EA sa upcoming family-drama ng GMA Afternoon Prime na Nakarehas Na Puso simula September 26, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, HABANG INIINTAY ANG NAKAREHAS NA PUSO, TINGNAN MUNA ANG ILAN SA HOTTEST PHOTOS NI EA DITO: