GMA Logo jeremiah tiangco
PHOTO COURTESY: jeremiah_tiangco (IG)
Celebrity Life

Jeremiah Tiangco, may tip para sa mga nais magsimula ng sariling negosyo

By Dianne Mariano
Published September 30, 2022 11:30 AM PHT
Updated September 30, 2022 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagupan teacher arrested over child abuse charge
Family Feud celebrates 4th anniversary with star-studded episodes this March
PSA launches service for digital issuance of civil registry documents

Article Inside Page


Showbiz News

jeremiah tiangco


Opisyal na nagbukas noong Mayo ang first-ever business ni Kapuso singer Jeremiah Tiangco na Biyaya Café.

Bukod sa pagiging talented performer, isa ring negosyante si Kapuso singer Jeremiah Tiangco.

Noong May 13, nagbukas na ang unang business ng The Clash Season 2 grand winner na Biyaya Café, na matatagpuan sa Imus, Cavite.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Jeremiah, ibinahagi niya kung paano nagsimula ang kanyang negosyo na aniya'y isang “dream come true.”

“Actually, nagsimula ito sa interest lang sa Instagram. Since coffee lover din ako, at the same time, ang ganda ng cozy look na naibibigay ng shop sa IG na nakikita ko sa feed, doon siya nag-start. 'Tapos, may tumulong na friend, na-materialize, 'tapos nagsunud-sunod na lahat.

“'Di ko rin alam kung paano naging totoo kasi dream come true talaga siya, e. Siguro plan din ni Lord, purpose lang niya, time na rin para mag-invest,” pagbabahagi niya.

Ayon kay Jeremiah, maraming na siyang kinaharap na hamon pagdating sa kanyang negosyo pero nalampasan niya ang lahat ng mga ito sa tulong ng Panginoon.

Aniya, “Siyempre, by God, by His grace, nakaka-survive araw-araw. Struggles nandiyan na 'yan, e, pero 'yung survival isa sa pinakamahirap. Ayun, si God. Sabi nga, 'He will never leave me and forsake me.'”

Bukod dito, mayroon ding tip si Jeremiah para sa mga nais magtayo ng sariling negosyo.

“Huwag kayong matakot kasi it's a risk, risk 'yan. Pero hindi mo malalaman 'yung sagot kung hindi mo gagawin. Go lang nang go habang may opportunity,” payo niya.

SAMANTALA, SILIPIN ANG STYLISH LOOKS NI JEREMIAH TIANGCO SA GALLERY NA ITO: