GMA Logo Ken Chan
Celebrity Life

Ken Chan, alagang-alaga ang kaniyang 'baby'

By Abbygael Hilario
Published November 9, 2022 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Sa isang interview ni Nelson Canlas, ibinahagi ni Ken Chan ang kaniyang sikreto sa pagkakaroon ng successful business na itinuturing niya bilang kaniyang 'baby.'

Sa showbiz podcast ng GMA News and Public Affairs na "Updated with Nelson Canlas," ibinahagi ni Ken Chan kung paano niya sinimulan at pinalago ang kaniyang negosyo na Cafe Claus.

Ayon sa Kapuso actor, mahilig ang kanilang pamilya sa Pasko kung kaya't naisipan niyang magtayo ng isang Christmas-themed cafe.

"Kailangan yong experience mo sa buhay, 'yung passion mo sa buhay plus 'yong love mo sa business pagsamahin mo. Naisip ko mahilig kami sa Pasko and buong family ko looking forward kami sa Christmas because iba ang Christmas. Iba ang Christmas sa atin especially sa mga Pinoy, kaya naisip ko ang Christmas cafe. Christmas restaurant all-year-round, araw-araw pasko," sabi niya.

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)

Binanggit din ng Kapuso star ang layunin ng kaniyang business.

Aniya, "Itong Cafe Claus, yes it is a business, money is important but you know, 'yung mission namin hindi lang puro pera. Ang gusto namin manumbalik 'yung spirit ng Christmas sa mga Pinoy na kapag pumunta sila sa Cafe Claus mafi-feel nila 'yung ito 'yung pasko ko dati."

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)

Nang tanungin naman siya kung paano niya tinututukan ang kaniyang negosyo sa kabila ng kaniyang mga projects bilang isang artista, ito ang kaniyang naging sagot.

"Kapag wala po akong tapings or shootings makikita lang nila ako sa Cafe Claus. Talagang hinahati ko talaga 'yung oras at gusto ko talagang bisitahin lahat ng branch kung ano 'yung nangyayari.

"Sa'yo 'yon e baby mo 'yon e. Kahit meron man diyang dumi o ihi ng ibang tao lilinisin mo 'yan e. Ayaw mong madumihan 'yong anak mo o 'yong baby mo," paliwanag niya.

Sa ngayon, mayroon nang tatlong branches ang Cafe Claus. Ito ang nagpapatunay na higit pa sa pagiging isang magaling na aktor ang husay ni Ken Chan.

SAMANTALA, TIGNAN ANG GUWAPO PHOTOS NI KEN CHAN SA GALLERY NA ITO: