Celebrity Life

Papa Dudut, inalala ang mga natutunan niya bilang business owner nang tumama ang COVID-19 pandemic

By Aedrianne Acar

Bukod sa pagiging host ng sikat na radio program na Barangay Love Stories, alam n'yo ba na isa rin business owner ang Barangay LS DJ na si Papa Dudut.

Nagpapatakbo ng massage service at isang salon ang multi-awarded Kabarangay radio host, pero tulad nang maraming negosyante, matindi ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa kaniya.

Sa exclusive interview ni Papa Dudut sa GMANetwork.com, ibinahagi niya ang mga natutunan niyang lessons sa pagpapatakbo ng negosyo sa gitna ng pandemya.

Pagbabalik-tanaw ni Dudut, “Sobrang unforgettable ang pandemic sa amin ni Jem [my partner] as business owners malaking amount ang nawala sa amin pero dun ko mas natutunan na mas magdagdag ng iba pang line of business.

“Kalimutan ang pagkalugi instead mag-isip kung paano makakabawi.”

Dagdag niya, “Huwag mag-focus sa business na nag offer ng services try din namin food and soon, pati drugstore pinagiisipan na rin namin next year especially na were transitioning to corporation from personal business kaya mas lalaki 'yung scope ng business in the future. God will provide sana mangyari.”

Baon ang mga natutunan, ready na si Papa Dudut sa bagong journey at sa November 27 bubuksan na niya sa SM Cherry Antipolo ang dalawang food and beverage franchise niya.

Lahad ng Kapuso radio host, “Unang-una the The Brewed Buddies and The Wings Haven is quality, una siya sa'kin pinakilala ng isang kaibigan na nagdala siya sa bahay. I want to offer this kind of product sa mga tao kaya personally ako mismo is a believer and consumer ng product nila. The reason why I franchise ng kanilang kaunaunahan na IN LINE store.”

Hindi ba siya nahirapan na sabay ang opening ng mga bago niyang negosyo?

“I would say I'm in good hands magaling kasi ang mga nag-concept ng the Brewed Buddies and the Wings haven,” saad niya. “Iba ang approach nila sa amin ni Jem, more of relaxed kami this time, unlike sa mga ibang nauna naming business like Rangsiman Thai massage and J25 Salon.

“Palibhasa franchise siya they help us na mabuo ang bago naming business.”

BE INSPIRED TO OPEN YOUR OWN BUSINESS BY FOLLOWING THE JOURNEY OF THESE CELEBRITY ENTREPRENEURS: