Article Inside Page
Showbiz News
Kasabay ng 15th year anniversary ng
Bubble Gang ay ipinakilala rin ang Bubblets na dadagdag sa sayang inihahatid ng show.
Kasabay ng 15th year anniversary ng longest-running gag show ng bansa na Bubble Gang ay ipinakilala rin ang Bubblets na dadagdag sa sayang inihahatid ng show. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Mitch S. Mauricio.

Last week ay idinaos ng
Bubble Gang ang kanilang 16th presscon para sa kanilang 15th Anniversary celebration. This makes
Bubble Gang the longest-running gag show in the country. Kasabay ng kanilang pagdiriwang ay ipinakilala rin ng Bubble barkada ang apat na newest additions sa kanilang show, ang naggandahang talents ng GMA na sina Jackie Rice, Gwen Zamora, Ellen Adarna, at Sam Pinto. Very honored naman ang apat to be part of this show.
“Masaya [ako] kasi [ang]
Bubble Gang isa sa pinakamatagal [na shows ng network]. Isa ang
Bubble Gang sa maraming bigatin na artista at sobrang blessed ko na part ako ng show na ito na pinapanood talaga ng tao, na matagal na nilang pinapanood,” sagot ni Jackie nang tanungin siya kung ano ang nararamdaman niyang mainstay na siya ng show, “Happy, sobrang thankful na nabigyan ako ng chance dito.”
Dagdag pa niya, “Last year pa rin ako sa
Bubble Gang, kasabayan ko pa sina LJ [Reyes] and Princess Violago. That time mga two months din [akong tumagal sa show], parang sabi ko, ‘Bakit hindi na ako tinatanggal?’ Parang natatakot din ako. May fear din na baka matanggal naman ako kaya lagi kong binibigay iyong best ko.”
Ang bagong talents naman ng GMA na sina Gwen, Ellen, at Sam ay masaya rin to be part of the show which tests their skills in comedy.
“I’ve been about two months [in the show]. I love it!” ani Gwen, “Parang ayoko nang umalis. I’ll stay for good. Kasi the way we do the comedy is just follow the script and then play the role that you’re meant to. The comedy just happens and [it’s a] good practice. I’ve learned so much from
Bubble Gang that I’ve taken [those lessons] to other shows.”
Ni-reveal rin ni Gwen kung sino ang favorite niya sa
Bubble Gang during the interview, “Si Michael V. po. Kahit on set, kahit nakaupo lang, natatawa ako. Tapos iyong face niya parang character, nade-deform. It turns into the role that he’s playing! Galing! Naaaliw ako.”
Ayon naman kay Ellen,
Bubble Gang is the perfect start for her acting career dahil na rin light lamang ang feel nito. “It’s very light,” pagpapaliwanag ng dalaga, “I think for me now, na baguhan pa lang ako, it’s perfect. Kasi it’s not something heavy.”
Ngunit nilinaw niya, kahit na light lamang ito ay hindi pa rin niya maiwasang ma-pressure dahil kasama nga niya dito ang dalawa sa batikang komedyante ng bansa na sina Michael V. at Ogie Alcasid. “Yes, yes [I feel the pressure]. Especially I need to work on acting pa and my Tagalog,” sagot niya, “I’m bubbly, I’m a funny person. It’s that when I’m on cam, it’s different. Parang I’m medyo camera shy pa kaunti. I think I have to get used to the cam.”
Bubble Gang, on the other hand, was a surprise for actress Sam Pinto. Hindi akalain ng dalaga na kaya pala niyang mag-comedy, kaya naman tuwang-tuwa ito na mapabilang sa show. “Sa
Bubble Gang, I got surprised with myself. Kaya ko palang mag-comedy!” natatawang sagot niya, “Never ko pang na-try [mag-comedy], dito talaga iyong first time. Masaya naman. Iyong
Bubble Gang sobrang light, the whole production suave lang.”
Kinuwento pa ni Sam kung gaano siyang nahirapan during her first day sa pagpapatawa, “Iyong first day ko parang paano ito. ‘Di ko alam kung ano’ng gagawin ko, but after a while they’re very welcoming. Sila pa nga iyong, ‘Do this!’ They suggest stuff for me to do. They’re helping me naman,” kuwento niya.
Panoorin ang Bubblets sa anniversary special ng
Bubble Gang mamayang gabi sa
GMA Telebabad.
Pag-usapan ang Bubblets sa mas pinagandang
iGMA Forum! Not yet a member? Register here.
Get more updates from Jackie Rice thru her Fanatxt service!
Just type JACKIE (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, just type
GOMMS (space) JACKIE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.