Celebrity Life

'Love just comes out of the blue' - Rafael Rosell


Bago pa man mahanap ng Kapuso actor na si Rafael Rosell ang kanyang special someone ay mahabang paghahanda ang ginawa niya sa kanyang sarili. Gusto niyang siguraduhin na sa pagkakataong ito ay talagang ready na siyang magmahal muli.

“Find yourself. Find solitude. Create yourself to become the person you want to be. So that when you find that person that has been doing the same thing, then one times one equals one,” sabi niya.

Kailangan daw maging kumpleto ka. Dahil kung kulang pa at di ka handa, maaaring lumabas ang insecurities mo.

Payo niya, “Love yourself first dahil hindi mo rin maibibigay kung wala ka ring pagmamahal.”

Almost four years daw naging single si Rafael bago siya nakipag-date muli. Inamin niya sa GMANetwork.com na merong nagpapatibok ng kanyang puso ngayon. 

“I think I’ve reached the point in my life na parang I found out what I want for myself. I found out what kind of person I want to be,” paglalahad niya.

Marami na nga raw nagbago sa kanya. Nag-mature siya at mas naiintindihan niya na ang mga dumarating na pagsubok sa kanyang buhay.

“With that, napansin ko na ang haba ng pasensya ko because if you understand yourself, it’s easier to understand others,” pagbahagi niya.

Ayon pa kay Rafael, “Imbes na husgahan mo ‘yung sitwasyon nila, husgahan mo ‘yung decision nila, you put yourself in their situation na lang muna, para maintindihan mo sila. In that way, hindi mo huhusgahan ‘yung mga decision nila sa buhay. At the same time, wala ng friction. It’s all peace and love. Lahat ng drama sa TV na lang.”

Madalas tayong naghahanap ng pagmamahal at ng mamahalin. Kusa na lang daw itong dumarating sa tamang panahon.

“Hindi mo rin malalaman kung ready ka eh. Kusa na lang darating ‘yun eh. Love just comes out of the blue. It’s like a miracle. You get touched by love. Magbabago perspectives mo,” sabi niya.

Pagtatapos niya, “Like they say, you’ll never be really ready for anything.”

Patuloy na subaybayan si Rafael Rosell bilang Rico sa The Borrowed Wife pagkatapos ng Innamorata only on GMA Afternoon Prime. Para sa updates kay Rafael at sa iba pang Kapuso artists at shows, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com.