Celebrity Life

Pauleen Luna on wedding rumors: “Hindi naman kailangan madaliin”


Bago pa man magsimula ang taon ay kabila’t kanan na ang ikinakasal na showbiz personalities. Susunod na kaya sina Pauleen Luna at Vic Sotto? Tinanong ng GMANetwork.com ang Kapuso actress.

“I just let things happen. If it’s going to happen, it will. Hindi naman kailangan madaliin ‘yung processs,” sabi niya.

Ayon kay Pauleen, lahat naman daw ng nasa relasyon, lalo na at seryoso, nangangarap na ikasal balang araw. Pero ayaw niya naman pangunahan ang mga bagay bagay kaya naman, “I’m not waiting for it, eager for that day. I am just taking it, a day at a time.”

Unang nagkasama at nagkakilala sina Bossing at Pauleen sa Eat Bulaga. Noong una, wala raw siya naramdaman sa comedian-actor pero bigla na lang daw nahulog ang kanyang loob dito.

“It was friendship that blossomed into something. Our relationship happened after seven years of being in the show (Eat Bulaga). It was not like love at first sight.”

Paano niya nalaman na mahal niya na si Bossing? “You just feel it,” ang mabilis niyang sagot.

Nang tanungin kung paano ba maging sweet si Bossing sa kanya, “Marami but I think he would be dyahe if I tell you guys.”

Dagdag niya, “Vic is a very sweet person. Medyo stiff lang siya around people but he is a very sweet guy, very vocal.”

Going strong ang relationship ng dalawa, ano nga ba ang sikreto nila for a lasting relationship?

Hindi siya nagdalawang isip na sabihing, “Honesty.”

Sa kanilang relasyon, hindi nila hinahayaan na maapektuhan ito ng kanilang trabaho. Pinangangalagaan nila ito dahil ganoon kaimportante ang kung ano ang meron sila. Kaya naman naging matibay pa sila habang tumatagal.

“We don’t let out industry or our job take over us. We still go back to the basics. ‘Ano bang importante? Ano bang kailangan? I think that’s the key. You guys should be open to each other. At saka hindi namin hinahayaan na kainin kami ng trabaho namin,” pagbahagi niya.

Mapapanood si Pauleen Luna sa Eat Bulaga at sa The Borrowed Wife tuwing hapon. Para sa updates kay Pauleen at sa iba pang artista at shows ng GMA, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.