Celebrity Life

Aljur Abrenica, abala sa taping sa kanyang kaarawan


Naging usap-usapan noong nakaraang linggo ang napabalitang alitan umano nina Aljur Abrenica at Geoff Eigenmann. Nagselos daw umano si Aljur kay Geoff, pero sa panayam namin kay Aljur, naayos na daw nilang dalawa ni Geoff ang lahat bilang magkaibigan. Ngayong kaarawan niya, pinipili ni Aljur na paglaanan ng panahon ang kanyang trabaho.

Noong advanced birthday celebration ni Aljur kasama ang mga batang iskolar ng World Vision, nakapanayam namin ang Kapuso hunk.

Ayon sa kanya, hindi siya ang tipo na magpla-plano para sa kanyang kaarawan. "Magpre-pray ako at magpapasalamat sa mga magagandang nangyayari sa buhay ko, pero kung tatanunin niyo ako kung nasaan ako, malamang nasa Kambal Sirena taping ako,” sabi ni Aljur.

Sa nasabing sirenaserye, gumaganap bilang Kevin si Aljur. Isang anak-mayaman na may-ari ng theme park, ang kanyang karakter. Siya rin ang mapapaibig sa kambal na sina Perlas at Alona, na kapwa ginagampanan ni Louise de los Reyes.

Ayon kay Aljur, okay lang sa kanya na magdiwang ng kanyang birthday sa set dahil mahal niya ang trabaho niya.

“Talaga pong pinag-iigihan naming ‘yung craft namin. Overwhelming, kasi maganda ‘yung naging feedback ng mga tao,” aniya.

Hindi man sila magkasama ng kanyang girlfriend na si Kylie Padilla sa kanyang birthday, siniguro niya na okay sila at lalo pang tumatatag ang kanilang relasyon. Wala raw kinalaman ang mga isyung ibinabato sa kanila sa pagbabakasyon ni Kylie sa Australia dahil matagal nang planado ito.

Hindi rin hadlang ang kanilang magkaibang relihiyon sa kanilang relasyon. Sa isang nakaraang interview, kapwa inilahad nina Kylie at Aljur ang pinaka nagustuhan nila sa isa’t isa.

Ayon kay Kylie, “He’s a man of God. ‘Yun ang gusto ko sa kanya. Sa showbiz, mahirap dahil lahat ng temptations nandiyan na lahat, pero ang kakaiba sa kanya, I can trust him.”

Aljur stated, “I felt love from her talaga. Even sa isang sitwasyon na the least na puwede niyang piliin ay ako, ako pa rin ang pinipili niya. Kahit busy siya at marami siyang priorities, she makes time. Hindi siya naghahanap ng time. Gumagawa siya ng time. ‘Yun ang sweetest thing about her.”

Catch more of Aljur Abrenica in Kambal Sirena and Sunday All Stars. For more updates, keep visiting www.gmanetwork.com.

-Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com