Celebrity Life

Dion Ignacio, handa na sa daring roles


Bukod sa role na Dencio sa Innamorata, napabalitang para sa future project at isang importanteng event ang dahilan kung bakit nagpapaganda ng katawan ang Starstruck alumnus na si Dion Ignacio.

Kuwento ni Dion, “Wala pang balita [kung ano ang next project]. Pero nagwo-workout ako ngayon para sa akin na rin at saka para na rin sa iba pang projects na dadating. At least, handa ako.”

Maliban sa TV and movie projects, bukas rin si Dion sa pagrampa para sa isang sikat na magazine.

“Oo naman. Oo, siyempre gusto ko rin ma-experience. Nag-model na rin ako before pero hindi naman centerfold,” saad niya.

Mukhang pursigido si Dion na ituloy ang pagbabago ng kanyang image dahil kinumpirma niyang handa na siya sa daring roles na ibibigay sa kanya.

Kuwento ni Dion, “Kung ano naman 'yung character na ibinibigay sa akin wala naman akong magagawa kung hindi yakapin 'yun. At saka hindi naman ako 'yun e. 'Di po ako ‘yun. Pero dapat mag-workout ako para handa ako sa mga scenes. Kumbaga, daring sabi niyo para hindi nakakahiya kasi 'di ba topless nga?”

Abangan si Dion Ignacio sa kanyang pagganap bilang Dencio sa Innamorata, Monday to Friday pagkatapos ng Villa Quintana.

Para sa updates tungkol kay Dion Ignacio at iba pang Kapuso artists, mag-log on lamang sa GMANetwork.com

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com