Celebrity Life

Alden Richards on his indie film 'Kinabukasan': 'I took it as a challenge'


Maganda ang pasok ng taon sa Kapuso hunk actor na si Alden Richards.

Kaliwa’t kanan ang kanyang projects at bigatin din ang mga artistang nakakatrabaho ng aktor. Nandiyan ang first team-up niya with Primetime Queen Marian Rivera sa GMA Telebabad show na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw at malapit na ring ipalabas ang kanyang first indie film with the Superstar, Nora Aunor.

Noong nakapanayam ng GMANetwork.com ang Kapuso actor ay nagkuwento siya tungkol sa kanyang first indie film.

“The title is Kinabukasan starring Nora Aunor, me, and Ms. Rosanna Roces. It’s for a foreign (film) festival. It’s a short film. The story revolves around reconciliation, forgiveness, and giving closure to unfinished business. Drama siya,” pagbahagi ni Alden.

Nagkuwento rin si Alden sa kanyang role at sa mga dapat abangan sa indie film na ito.

“Ako rito ‘yong anak ni Ms. Osang, Ms. Rosanne Roces. And then si Ms. Nora Aunor, teacher. Magkarelasyon sila ng mom ko. In short, Ms. Nora Aunor is lesbian dito sa film na ito. ‘Yung conflict starts when my mom left me for her,” kuwento ng aktor.

Isang malaking karangalan daw na makatrabaho niya ang Superstar. Malaki rin ang pasasalamat niya sa pagpili sa kanya ng award-winning director na si Adolf Alix.

Paano nga ba siya napili para sa role?

“He just called me sa isang dinner. He asked me if I’m interested to do a short film with him. Sabi ko, ‘Direk, yes!’ Hindi ko naman alam kung sino makakasama ko rito. Bigla na lang sinabi ni Direk na may eksena with Nora Aunor. Tapos kinabahan ako kaagad,” panimula ni Alden.

Dagdag pa niya, “Sabi ko, ‘Oh my God! The one and only Superstar makakatrabaho ko then sa amin nagrerevolve ‘yong story.’ Talagang pinaghandaan ko siya. I took it as a challenge sa sarili ko kung hanggang saan ko kayang i-push ang acting ko.”

Sobrang nag-enjoy raw si Alden sa mga eksena niya with the Superstar. At lalo niyang nakilala nang lubusan ang aktres. Totoong tao at mabait daw ito kaya naman sa susunod gusto niya ulit itong makatrabaho. Sana raw sa isang full-length film naman.

“Siya ‘yung epitome ng perfect acting eh. Siya ‘yong epitome ng ‘as is’ acting, natural na natural. Alam mo na ‘yung mga words na ginagamit niya coming from the heart talaga. Sobrang nag-enjoy lang talaga ako. Sobra!” buong paghanga niyang sinabi.

Kumusta namang makatrabaho si Rosanna Roces na kanyang nanay sa indie film?

“Wala kaming masyadong scenes unfortunately. Pero, I got a chance to meet her din. She’s a very good person, same with Ms. Nora. Very down to earth, madaling lapitan so parang hindi masyadong nakaka-intimidate kausapin,” paglarawan niya sa aktres.

Patuloy na subaybayan si Alden Richards bilang Yago sa Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw pagkatapos ng Kambal Sirena only on GMA.

Para sa latest kay Alden, mag-log on lagi sa www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.