advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Sino ang gustong regaluhan ng mga Kapuso stars this Christmas?

1 of 10

Andre Paras

Ani Andre, "Of course, my family. Given naman. Kahit papano I want to give back to them as much as I can. Christmas is a good way also parang to let them know na kahit anong occassion, I'll always be there for them."

2 of 10

Gil Cuerva

Kuwento ni Gil, "My mom and dad, kasi the past twenty two Christmases, they've been giving me gifts. So I at least want to use my hard-earned money to buy them gifts."

3 of 10

Bruno Gabriel

Lahat naman ay gusto bigyan ng regalo ni Bruno. Aniya, "Everybody, actually. I have so much people to be grateful for. I usually give an answer na medyo cheesy, pero wala ngayon, eh."

advertisement
4 of 10

Arny Ross

Ika ni Arny Ross, automatic na na 'pag Pasko ay binibigyan niya ang mga production staff at kasama niya sa trabaho. Kabilang dito ang mga proyektong kasama siya tulad ng 'My Special Tatay' at 'Bubble Gang.' Aniya, "So, nakasanayan ko na nagbibigay ako ng gifts. Kahit maliit lang, basta, nakakapagpasa kapag may regalo. Kahit ano, hindi naman ganun ka mahal."

5 of 10

Lovely Abella

Ika naman ni Lovely, talagang nagbibigay siya at nagshe-share ng blessings tuwing Pasko. Aniya, "Naniniwala kasi ako kapag Pasko, sobrang bigay ka ng bigay, next year parang wow, ang dami [kong blessings]."

6 of 10

Therese Malvar

Balak naman mag-charity work ni Therese. Aniya, "Hopefully, this Christmas, I will be able to do some charity event. Or I will be able to serve because part po ako ng isang youth ministry na YFL, so hopefully this Christmas makakapag-serve ako with the kids.

advertisement
7 of 10

Julius Miguel

Dagdag naman ni Julius Miguel, "May charity din ako na gusto kong samahan, 'yun 'yung mga may cancer patients na kids. I want to give back through sa blessing na I received these past few years."

8 of 10

Kelvin Miranda

Kuwento naman ni Kelvin, "Ako naman siguro, simple lang. 'Yung makipagbigay ng unting blessings sa ibang tao. Kung ano 'yung kaya ko ibigay, masaya na ako. Pero pinakagusto ko iregalo is 'yung mapaayos ko 'yung bahay namin."

9 of 10

Julie Anne San Jose

For now, gusto ni Julie Anne bigyan ng regalo ang kaniyang sarili. Saad niya, "Gusto ko regaluhan 'yung sarili ko. I don't know kung ano'ng klaseng regalo 'yun, but I'll figure it out. I still don't know kung ano."

advertisement
10 of 10

Ken Chan

Si Ken naman ay abala ulit sa pagbibigay ngayong Pasko. Paliwanag niya, "Excited ako magbigay ng mga laruan. Isa ako sa maglo-look forward talaga kapag Christmas, kasi napapasaya natin 'yung mga bata. 'Yung mga street children. And gustong gusto ko magbigay ng mga laruan sa kanila kasi sila 'yung mga batang sa murang edad nila hindi nila nararansan maglaro. Hindi nila nararanasan maging bata. And nandito tayo para iparanas sa kanila kung ano ba talaga ibig sabihin ng pagiging isang bata."