Celebrity Life

'My heart is always for the audience, for the people' - Dingdong Dantes


Hindi naging hadlang ang kanyang busy schedule sa show business para tuparin ang kanyang pangako sa mga magulang na siya’y magtatapos ng pag-aaral.

Noong nakaraang linggo, nagtapos si Dingdong Dantes ng Business Administration sa West Negros University. Natagalan man ito kaysa sa orihinal na plano, masaya ang Primetime King na siya’y nagbalik-eskwela.

“First two years ko sa college, nag-San Beda ako, tapos four years, nag-Ateneo ako. I had to take a leave of absence nung time na yun sa Ateneo so indefinite leave siya nung mga panahon na yun,” kwento ng aktor.

Dahil dun, naghanap siya ng paaralan kung saan tatanggapin ang units na kanyang nakuha sa dating mga paaralan. Sa kanyang sipag at determinasyon, nagampanan niya ang mga requirements at nag-pursige kahit pa kailangan niyang lumipad pa-Bacolod ng hindi kukulang sa isang beses sa isang buwan.

“Importante para sa akin talaga yung education magmula noon… I’m glad, I went back kasi mas naintindihan ko siya. Ngayon, mas na-a-apply ko siya. Kahit na sabihin nating ginagamit ko na siya sa mga existing na businesses na meron ako, iba pa rin na maintindihan mo 'yung theory, so it’s really different to know what you’re doing,” dagdag niya.

Ngayong tapos na siya sa pag-aaral, sasabak na nga ba si Dingdong sa mundo ng pulitika?

"Lahat tayo, we are all entitled to do something under the theme of public service. Kahit nasa media tayo, public service din naman 'to. Entertainment in a way is public service because we give entertainment and siguro it's just a matter of defining anong klaseng mga levels 'yan,” paliwanag ng Primetime King.

“Pero ever since kahit nung nag-start ako, even when I entered this business, syempre my heart is always for the audience, for the people,” sabi ng aktor.

-- Text by Meryl Ligunas, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com, Interview by StarTalk TX