Celebrity Life

Luis Alandy, 'guwapo na, mayaman pa!'


Isa sa pinakamasuwerteng leading man sa showbiz ngayon ang Innamorata actor na si Luis Alandy. Si Luis ay gumaganap na Edwin, ang lalaking iniibig ni Gina [Jackie Rice] at Esperanza [Max Collins]. Bukod rito, inilahad na rin ang isa pang karakter niyang si Arnaldo na siyang iniibig rin ni Alejandra [Gwen Zamora].

Kuwento ni Luis, “Kay Jackie kasi magkababata kami. Gusto niya magkatuluyan kami. Pero ako, ayaw ko”.

“'Di ko alam kung saan pupunta 'yung part noong kay Jackie. Pero sa simula doon, parang gusto niyang maging kami. Gusto niya maalis sa hirap 'yung family niya. Gusto niyang magkatuluyan kami dahil mayaman ang family namin,” dagdag pa niya

Dahil nga sa karakter na ito ni Luis, biniro siya ni Gwen na “guwapo na, mayaman pa”.

“Must be the hair,” natatawang sagot ni Luis.

Masaya naman si Luis na tinawag siyang supportive ni Max. Kuwento ni Max, “he really assured the eksena is the best. He doesn’t try to outshine anyone”.

Si Gwen naman ay natatawa nang ibinahagi ang kanilang bonding moment ni Luis sa set. Aniya, “We [Luis] bicker so much. It's a good kind of bickering. I don’t know; I just like to piss him off. I just want to know how far he can put up”.

“Pero it's all like in a good way. And he handles it perfectly,” dagdag ni Gwen

Abangan sina Luis Alandy, Max Collins, at Gwen Zamora sa Innamorata. Monday to Friday, pagkatapos ng Villa Quintana.

Para sa iba pang updates mula sa inyong mga paboritong Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com