Celebrity Life

Dion Ignacio on StarStruck batchmates:


Mapa-Afternoon Prime man o Telebabad, kapansin pansin na visible ang mga StarStruck Batch 1 alumni. Isa rito ay ang Innamorata actor na si Dion Ignacio. Siya ay gumaganap na Dencio, ang matalik na kaibigan ni Esperanza na ginagampanan naman ni Max Collins.

Para kay Dion, masaya siya sa mga nangyayari sa kanyang mga StarStruck batchmates. Aniya, “sobrang happy rin ako sa kanila na hanggang ngayon naipagpapatuloy pa rin nila 'yung dream nila at nagsusurvive sila”.

Ang mga StarStruck batchmates na tinutukoy ni Dion ay sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, at Yasmien Kurdi na mapapanood naman sa Telebabad show na Rhodora X.

Kuwento ni Dion, kasipagan at ang kanyang patuloy na pag-aaral ng acting techniques ang kanyang naging susi kaya nagtagal siya sa showbiz.

“Kung ano naman 'yung character na ibinibigay sa akin, wala naman akong magagawa kung hindi yakapin 'yun,” saad ng Innamorata actor.

Isa rin umano sa mga naging dahilan kung bakit patuloy na pinagkakatiwalaan ng GMA ang mga StarStruck graduates ay ang kanilang pagmamahal sa trabaho.

“Siguro lahat masipag at pinag-aaralan nila ang craft nila. Kaya siguro ganoon, kaya ako ganoon din,” pagtatapos ni Dion.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com