Celebrity Life

PhyTun, ang bagong love team ng GMA?



Nang ma-interview ng GMANetwork.com sina Kristoffer Martin at Phytos Ramirez, sinabi nilang hindi nila inaasahan na magiging close sila sa isa’t isa. Nagulat na lamang daw sila na higit pa sa magkaibigan ang turingan nila pagkatapos ng Paraiso Ko’y Ikaw.

Inamin sa amin ni Phytos na noong una ay kinakabahan siya kay Kristoffer dahil magiging love team niya ang ex-girlfriend nitong si Joyce Ching. Natatakot daw siya noon na baka magkaroon na sila ng alitan dahil bagong break pa lang sina Kristoffer at Joyce noong magsimula ang Telebabad show.

Kuwento ni Phytos, hindi raw talaga maiiwasang maging close sila ng kanyang love team na si Joyce. Bata pa lang daw kasi sila ay nagkakasama na sila sa modeling projects. At dahil si Joyce lang ang tanging kakilala niya sa GMA, talaga raw sa kanya siya lalapit lalo na noong unang pasok pa lang siya sa Kapuso Network.

Pero nang tinanong namin si Phytos kung sino ang naging pinaka-close niya sa cast members ng Paraiso Ko’y Ikaw bukod kay Joyce, walang duda na si Kristoffer daw iyon.

“Habang nagsasama kami sa set lalo noong huling tapings namin, mas naging close kami, kasi kami lagi 'yung magkaeksena,” kuwento ni Phytos.

Dagdag pa ni Phytos, dahil sa sobrang close nila ni Kristoffer ay mayroon nang umusbong na bagong love team. “Minsan niloloko kami. 'Uy may bago nang love team, PhyTun!' Gumaganon sila, (laughs)” aniya.

Ayon kay Phytos, kaya raw sila naging close ni Kristoffer dahil parehas sila ng mga hilig. Biro niya, “Feeling ko parehas kaming sira ulo. (laughs) Parehas din kami ng likes.”

Kahit daw first time pa lang nilang magkatrabaho ay naging magaan na ang kanilang mga eksena. “Nagtulungan kami sa scenes. For example one cam lang kami. Kahit hindi namin shot, bigay todo kami. So talagang mafi-feel mo 'yung eksena kaya maganda 'yung kinalabasan,” kuwento ni Phytos.

Nang tanungin naman namin kay Kristoffer kung kumusta sila ni Phytos, pabiro niyang sinabi na si Phytos ang jowa niya sa set. Si Phytos daw ang itinuturing niyang kapatid sa show, dahil halos lahat daw ng problema niya ay nasasabi na niya kay Phytos.

(Balikan ang "jowa" quote ni Kristoffer Martin sa article sa ito.)

What’s next for Kristoffer Martin and Phytos Ramirez after Paraiso Ko’y Ikaw? Keep visiting www.gmanetwork.com for updates on Kristoffer, Phytos, and your favorite Kapuso stars and shows. - Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com