Celebrity Life

Paano manligaw si Miguel Tanfelix?


Mula sa pagiging StarStruck kid, binata na si Miguel Tanfelix at siya’y bibida na sa kanyang sariling GMA Telebabad show. Dating tinutuksong tabachingching, ngayo’y heartthrob na ang fifteen-year-old star at sa kanyang interview sa StarTalk, hindi maiwasang itanong nina Joey de Leon at Heart Evangelista kung nanliligaw na ba ang young heartthrob.

“’Pag crush ko po 'yung isang babae, gustong gusto ko po [siya] kausapin. Gumagawa po talaga ako ng paraan para lalo ko makilala. Nag-eeffort po ako ng todo-todo para makausap (siya) kahit saglit lang, basta lang magkilala lang po kami [at] mag-enjoy po kami,” sabi niya.

Sa isang short preference game naman, sinagot niya kung ano ang mas ideal kung siya’y may liligawan.

Dinner or movie?
“Dinner po,” mabilis na sagot ni Miguel. Para sa kanya, ayaw niya ng room for distractions.

“Gusto ko po yung atensyon namin, nasa aming dalawa. Kasi po ‘pag movie, 'yung atensyon niyo nasa palabas. Mas gusto ko po na nasa moment (kaming) dalawa,” kuwento niya.

Flowers or chocolates?

“Both,” simple at direktang tugon ng dating child star.

“Kung nagda-diet po 'yung babae, kung ayaw niya po ng chocolate, may flowers (pa) po (siya),” sabi ni Miguel.

Nakakatuwang makita ang pag-mature ni Miguel from the very cute talent search contestant to one of today’s promising young actors. Para mapanood ang kanyang pagsabak sa mas malalaking challenges, abangan siya sa Niño, coming soon on GMA Telebabad.

-- Text by Meryl Ligunas, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com; Interview by Startalk TX