Celebrity Life

Kristoffer Martin, inaming 'fitspiration' si Rafael Rosell


Kahit tapos na ang Paraiso Ko’y Ikaw, tuloy tuloy pa rin sa pagpapaganda ng katawan ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin. Ito naman ay para sa nalalapit niyang summer adventure.

Ayon kay Kristoffer, magpupunta siya sa Boracay ngayong May kasama ang kanyang mga kaibigan kaya’t puspusan ang kanyang paghahanda para rito.

Hindi umano hangad ni Kristoffer ang malaking katawan. “Nagpapapayat ako kasi ayoko ng masyadong malaki ang katawan. Gusto ko toned lang,” saad niya.

Natatawa namang ibinahagi ni Kristoffer na ang kanyang "fitspiration" ay isang aktor mula sa afternoon prime na The Borrowed Wife. “Tipong Rafael Rosell, payat pero bato bato!”

Para sa mga gustong magkaroon ng magandang katawan ngayong summer, nagbahagi si Kristoffer ng ilan sa kanyang mga workout routines.

“Minsan tumatakbo lang ako kapag umaga sa condo. Tapos mag-gym ako, tapos mag-swimming ako. Pero ‘yung diet ko hindi na ako masyadong nagkakakain sa gabi. Low carbs halos everyday.”

Mapapanood si Kristoffer Martin tuwing linggo sa Sunday All Stars.

Para sa updates mula sa paborito ninyong Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com