Celebrity Life

Kanino kinilig at nanginig si Joyce Ching sa mga nakatrabaho niya sa 'Paraiso Ko'y Ikaw?'


Pagkatapos ng Paraiso Ko'y Ikaw, ikinuwento sa GMANetwork.com ni Kapuso actress Joyce Ching ang kanyang naging working relationship sa cast members at direktor ng GMA Telebabad soap.

Kim Rodriguez

Si Kim, okay siyang katrabaho. Sobrang nakakatuwa, kasi bilang kontrabida, para sa' kin importante talaga na kaibigan mo 'yung bida kasi kapag may mga eksena na sabunutan or sampalan or kung ano-ano pang pang-aapi na ginagawa mo sa bida, hindi ka magho-hold back kasi alam mo namang kahit anong mangyari [ay] friends pa rin kayo off-cam. Kapag may hindi siya alam or 'pag nagdadalawang-isip siya sa gagawin niya, siya 'yung tipo ng artista na hindi siya nahihiya na magtanong.

Kristoffer Martin

Sobrang komportable na kasi akong katrabaho siya dahil nga nagsimula kami as love team tapos ang tagal ng Tween Hearts, ang tagal naming nagkasama sa past shows namin. At saka 'yon, very professional din siya na artista. Talagang bawat character na ibinibigay sa kanya [ay] binibigyan niya ng personality. Parang pinag-iisipan niya talaga 'yung mga ginagawa niya.

Phytos Ramirez

Sobrang nakakatuwa kasi mabait siya. Siyempre love team kami. Sobrang nakakatawa lang, laugh trip lang 'yung mga eksena namin. Most especially kapag may mga titigan. Well nagtatawanan talaga kami nang literal, tapos nagpipigil na lang kami ng tawa. Feeling ko nagwo-work naman kasi mukha kaming kinikilig. Sobrang okay talaga ni Phytos. Mabait siya tsaka gentleman, maasikaso. (Alamin kung paano nagpapaka-body guard si Phytos kay Joyce, read the article here [click here])

Gabby Eigenmann

Si Kuya Gab sobrang bait eh! Kasi sa Munting Heredera, siya 'yung tipo ng artista na kahit saan mo makita alam mong friends kayo. Saka sobrang bait. Dahil mas marami siyang alam kaysa sa 'min, always there talaga siya para tumulong, para mag-advice sa career at sa mga kung ano-ano pang mga personal na problema sa buhay.

Jessa Zaragoza

Sobrang nakakatuwa si Miss Jessa kasi sobrang polite niya. Sobrang hinhin niya tapos parang nagkukuwento siya na first time niya nga maging kontrabida dahil puro bida 'yung ginagawa niya. Tapos nagwo-worry siya madalas, kasi sobrang malumanay niya kasi talaga tapos sa eksena kailangan sobrang galit siya palagi. Nakakatuwa po.

Direk Joyce Bernal

Noong una talaga sobrang nervous talaga ako as in nanginginig talaga. Pero ang okay kay Direk Joyce, sobrang honest niya sa lahat. Parang kapag may gusto siyang baguhin sa acting mo, sinasabi niya talaga pero in a polite manner naman. Nakakatuwa kasi sobrang honest niya talaga. Tinututuro niya rin sa 'min 'yung experiences niya before saka 'yung mga artistang nakatrabaho na niya. Kung alam niya kung ano pa 'yung kailangan mong i-improve sasabhin niya 'yun para magawa mo.

What's next for Joyce Ching after Paraiso Ko’y Ikaw? Keep visiting www.gmanetwork.com for updates on Joyce and your favorite Kapuso stars and shows.
- Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com