Celebrity Life

Megan Young, may fashion blooper habang nanonood ng concert ni SUGA ng BTS

By Marah Ruiz

Tumungo si Kapuso actress and beauty queen Megan Young kamakailan sa Jakarta, Indonesia para manood ng concert ni BTS member SUGA.

Ang Jakarta ang isa sa stops ng Asian leg ng "SUGA | Agust D Tour" ng nasabing miyembro.

Isang ARMY o BTS fan si Megan at nagbahagi na siya ng ilang photos at videos niya mula sa concert.

Muli siyang nag-post ng panibagong video niya mula sa concert bilang sagot sa tanong sa TikTok tungkol sa bagay na ginastusan mo nang malaki pero hindi naman pinagsisihan dahil sulit ito.

"NO REGRETS!!! If only I could watch more of Yoongi's shows… I would watch over and over again and lose my voice over and over again… I'm so happy that I got to see him in Jakarta and I wouldn't have it any other way. Excited for my co-army's that are gonna be watching him in Bangkok this weekend!!!" sulat ni Megan sa caption ng kanyang post.

A post shared by Megan Young (@meganbata)

Inulan ang post ng mga positibong mensahe mula sa kapwa niya ARMY na nakapanood rin ng concert at 'yung mga manonood pa lang.

Bukod dito, may ilan ding nakapansin ng fashion blooper ni Megan. Baliktad kasi ang pagkakasuot niya ng polo shirt niya sa video.

"Bonezeeeyyyy baliktad nga yung polo hahahah…," saad ng isang comment.

"Forda excited kaya di ko na naisip hahahaha," sagot naman ni Megan.

Source: meganbata (IG)

Nakatakdang maging bahagi ni Megan ng upcoming primetime murder mystery drama na Royal Blood.

Makakasama niya rito ang kanyang husband at fellow Kapuso star na si Mikael Daez pati na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

SAMANTALA, SILIPIN ANG PAGRAMPA NI MEGAN YOUNG KASAMA SINA VENUS RAJ AT XIAN LIM SA NEW YORK SA GALLERY NA ITO: