Celebrity Life

Aling Maliit delivers big doses of happiness


Sa first anniversary ng The Ryzza Mae Show, iba’t-ibang Dabarkads ang bumati kay Aling Maliit at nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa saya na dinala sa kanila ng youngest talk show host in television.

Narito ang ilan sa mga bumisita sa espesyal na araw ni Aling Maliit, at ang kanilang mensahe para sa kanya:

“First off, happy anniversary. Imagine mo, isang taon na. Ang dami mo nang napasaya at isa ako dun. Nung last time ako nandito, sobra sobra akong nag-enjoy kasama ka. Actually, sa buong career ko, isa yun sa pinakamasayang experiences ko.”
- Derek Ramsay

“Happy anniversary Ryzza. Thank you so much sa pag-invite sa amin at kahit bata ka pa lang, sobrang dami mo nang napapasaya so thank you.”
- Gretchen Ho

“Ryzza, happy anniversary! Maraming salamat na inivite mo kami ni Gretchen. Always stay humble. Blessed kang bata. Always listen to your parents. Happy anniversary!”
- Kiefer Ravena

Nag-iwan naman ng video messages ang ilan sa kanyang mga biating bisita ni Aling Maliit. Sila’y lubos na natuwa sa kanilang pakikipag-usap sa chikiting.

“Naku, ang bilis naman ng panahon. Isang taon ka na nagbibigay saya sa tanghali bago mag-Eat Bulaga. Ryzza, congratulations!”
- Arnold Clavio

“To you Ryzza, you’re a very talented, very beautiful girl. 'Wag mo kakalimutan si Tito Cesar. I’m very proud of you, I love you so much. I’m always here to support you.”
- Cesar Montano

“Alam mo 'yung pag ge-guest ko sayo, Ryzza? Ibang klase. It’s a new experience for me kasi ang nag-interview sa akin ay isang anghel.”
- Philip Salvador

“Congratulations Ryzza! You made it to your one year anniversary! My goodness. Bakit naman hindi ka tatagal? Ang ganda ganda ng show mo. Ang dami mong followers kaya sa Las Vegas. We love you.”
- Melanie Marquez

Sobra-sobra din naman ang pasasalamat ni Ryzza sa kanyang guests sa anniversary episode, sa mga naging guests sa buong taon, sa bumubuo ng kanyang show, sa mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga, at higit sa lahat, sa Panginoon.

Hindi naman nakalimot si Aling Maliit at siya’y namuno ng pagdasal sa studio para ipakita ang kanyang pasasalamat. Ito ang kanyang naging panalangin:

“Papa Jesus, maraming salamat po sa lahat ng mga blessings na ibinigay niyo sa akin. Maraming salamat po na hindi ako nagkakasakit at araw-araw po akong nakakapunta dito sa The Ryzza Mae Show at makasama ko po ang mga Dabarkads dito po sa Pilipinas at pati po sa buong mundo. Maraming salamat po sa mga guest na nakakasama ko dito sa show namin at sa lahat po ng mga tao na araw araw ay nanonood ng The Ryzza Mae Show. Thank you po, Papa Jesus. Thank you po.”

Ngayong umabot na ng isang taon ang kanyang show, mas marami pang kwentuhan, tawanan, kantahan, sayawan, at tagu-taguan ang ihahandog ni Ryzza. Abangan ang kanyang mga susunod na pasabog at sorpresa mula Lunes hanggang Biyernes, bago mag-Eat Bulaga.

-- Text by Meryl Ligunas, GMANetwork.com