Bago bumida ang mga celebrities na ito on TV, dati silang nagtrabaho behind-the-scenes either sa production o empleyado sa network. Kilalanin kung sino sila sa gallery na ito!
Sa isang interview with Kapamilya host Boy Abunda, kinuwento ni Marian Rivera na dati siyang nag OJT sa ABS-CBN.
Alam n'yo ba na si Jenzel Angeles ay na-discover ng GMA Artist Center nang maging empleyado siya ng GMA Network?
Before working as a TV Host, Pia Guanio was an intern at Probe Team Productions.
Bago maging isa sa mga 'Eat Bulaga' Dabarkad, naging production assistant muna si Jose Manalo sa longest-running noontime show.
Gaya ni Pia, naging miyembro rin ng Probe Team Productions ang komedyanteng si Betong Sumaya.
Dating nagtrabaho bilang production staff ang komedyanteng si John Feir bago sumalang sa 'Nuts Entertainment' bilang Belly Flory.
Nagsimula si Diego Llorico bilang production assistant sa 'Bubble Gang,' ngayon isa na siya sa mga mainstay cast members at associate producer pa!
Personal assistant noon ng artistang si Susan Lozada si Myka Flores. Nadiskubre si Myka nang mag-guest si Susan sa 'Bubble Gang.'
Alam n'yo ba na ang impersonator at komedyanteng si KaladKaren ay dating creative writer and floor director ng 'Eat Bulaga?'