Ayon sa Chinese lunar calendar, Year of the Pig ang taong 2019. Kilalanin ang ilan sa mga artistang ipinanganak sa parehong animal sign sa gallery na ito.
Ang Queen of All Media na si Kris Aquino ay ipinanganak noong February 14, 1971
Dahil ipinanganak noong March 3, 1995, Year of the Pig din si 'Daddy's Gurl' star Maine Mendoza.
Ganun din si Rita Daniela, na turning 24 years old sa September 15.
June 24, 1983 ipinanganak ang aktor na si John Lloyd Cruz.
Sa August 10 nitong taon ay magiging 36 years old na ang singer na si Mark Bautista.
Ipinanganak noong April 16, 1947 ang 'Pepito Manaloto' mainstay na si Ms. Nova Villa.
Year of the Pig din isinilang ang bagong Kapuso na si Kiray Celis, na magiging 24 years old sa May 29.
Katulad ng inang si Kris, Year of the Pig din si Bimby, na ipinanganak noong April 19, 2007.
Kasama rin sa listahan ang aktres at 'Onanay' director na si Gina Alajar, na ipinanganak noong June 29, 1959.
Turning 36 years old sa March 2 ang thespian at 'Sunday PinaSaya' star na si Jerald Napoles .
Turning 24 years old sa August 1 si Kapuso hunk Derrick Monasterio.
July 23, 1971 ipinanganak ang komedyante at 'Dear Uge' star na si Eugene Domingo.