Celebrity Life

How Rafael Rosell relates to Rico of 'The Borrowed Wife'



Marami ang humahanga sa pagganap ni Kapuso hunk Rafael Rosell sa character ni Rico sa Afternoon Prime series na The Borrowed Wife. Muling ipinakita ng aktor ang kanyang husay at versatility, kaya naman epektibo ang kanyang pag-arte kasama sina Camille Prats, Pauleen Luna at TJ Trinidad.

Sa The Borrowed Wife nitong mga nakaraang araw ay bumalik na si Maricar (Charee Pineda). Pero lingid sa kaalaman ng lahat ay pakana lamang ito ni Earl para lalo niyang mailayo si Sophia (Camille Prats) kay Rico. Si Rico naman, kahit mukha ni Maricar ang nakikita niya ay hindi niya nagugustuhan ang ugali nito. Hindi niya alam bakit naging ganito na ang asawa niya, at kung bakit naiisip pa rin niya si Sophia kahit nagbalik na si Maricar.

Noong nakaraang live chat nina Pauleen at Rafael ay tinanong namin ang aktor kung may nakikita ba siyang similarities nila ni Rico. Sa ngayon daw ay iisa pa lamang ang pagkakapareho nila - ang pagmamahal sa anak.

"I think mentality-wise, the love for a child. Dahil sa pag-study ko ng character na 'yun, parang gusto ko rin [magkaanak] pero not now siyempre."

Kung ito lang ang similarity nila ni Rico, marami ba silang pagkakaiba?

"Everything. First of all, hindi ko pipiliin na alak ang aking outsource for my sorrows. Siguro meditation na lang," he began.

Isang emotionally driven character daw si Rico, malayo sa tunay na Rafael. "The way he handles things siguro, it's so emotional. He reacts through emotions, so there's little room for self-analysis. If you have little room for self-analysis, the tendency is just to go with the flow tapos kung ano-anong consequences ang mangyayari. Para sa akin, I don't do that. I like to analyze the situation first and then attack with emotions."

The Borrowed Wife airs from Monday to Friday after Innamorata on GMA Afternoon Prime. For updates on Rafael Rosell and other Kapuso stars, visit GMANetwork.com. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com