Celebrity Life

Luis Alandy, torn between two lovers?


Isa sa pinakamasuwerteng leading man si Luis Alandy dahil kapares niya ngayon ang dalawa sa pinakamagagandang babae ng Afternoon Prime soap na Innamorata. Ginagampanan ni Luis ang karakter ni Arnaldo, ang lalaking nagpa-ibig kay Alejandra (Gwen Zamora). Samantala, si Edwin naman ay ang lalaking mahal ni Esperanza (Max Collins), ang apo ni Alejandra.

Inamin ni Luis na komportable siya kay Gwen dahil nagkatrabaho na sila noon sa show na Binoy Henyo.

“Nagka-work na kami before. Alam ko na kunyari [kung kailan hihinto] kapag inaasar ko siya. I know din kung paano siya pasayahin,” saad ng aktor.

Samantala, si Luis at Max naman ay nagkaroon ng kaunting adjustments bago maging komportable sa isa’t-isa.

Kuwento ni Luis, “Yun nga in-explain ko sa kanya na this is what you are going to expect from me, minsan mang-aasar ako just to keep the mood light sa set”.

“It worked naman so medyo naging close. Pero mas makikita naman nila sa scenes namin sa Innamorata na comfortable na kami sa isa't-isa,” dagdag ni Luis.

Sa ngayon, makikita sa Innamorata ang patuloy na pagkuha ni Alejandra kay Edwin sa paniniwalang siya si Arnaldo. Kanino mapupunta si Edwin? Kaninong pag-ibig ang magwawagi? Patuloy na abangan sa Innamorata, Monday to Friday pagkatapos ng Villa Quintana.

Para sa iba pang updates mula sa inyong mga paboritong Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com